Mabilis na naihatid ng DSWD Field Office 8 ang 220 family food boxes sa pamilyang apektado ng pagbaha dulot ng Tropical Storm Ramil sa Brgy. Caglanipao San Isidro, Northern Samar.
Ito ay bahagi ng pagsisikap ng ahensya na matugunan ang pangangailangan ng bawat pamilya o indibidwal na naapektuhan ng anumang sakuna o kalamidad.
Para sa disaster relief distribution sa inyong lugar, makipag-ugnayan lamang sa inyong lokal na pamahalaan.



















