Mahagna Water System Beneficiary Association (MAHAGNA) ng Abuyog, Leyte ay ginawarang 5th Regional Bayani ka! awardee para sa Sustained Community Volunteers’ Group. Kasama nina DSWD Regional Director Restituto Macuto at Assistant Regional Director for Operations Marcela Lim ang Community Volunteers na mga miyembro rin ng asosasyon at si Hon. Mayor Lemuel Traya at MAC Reynaldo Requioma

 

 

 

Ang LGU ng Sulat Eastern Samar ay wagi bilang 5th Regional Bayani ka! awardee sa kategoryang Improved Local Governance na nirepresenta ng mga Community Volunteers
Panalo ang Womens’ Group & Farmers’ Association ng Talalora , Samar sa kategoryang Gender and Development kasama ang mga Community Volunteers na mga aktibong miyembro ng nasabing asosasyon

 

 

Para sa kategoryang Elderly ay nakamit naman ng Burauen Concerned Senior Citizens’ Association (CONSCENCIA) ang rekognasyon. Nirepresenta ito ng mga Community Volunteers at miyembro ng asosasyon.
Nakuha ng LGU Tabontabon , Leyte ang award para sa kategoryang Environment Protection. Tumanggap ng plaque ay sina Hon. Mayor Rustico Balderian kasama sina MAC Joy Naputo at ang magiging na Community Volunteers.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ang nag iisang panalo para sa Bayan category ng Model MLGU Implementing Kalahi CIDSS ay ibinigay sa LGU ng Mayorga, Leyte. Sama samang tinanggap nina Hon. Mayor Valente Adolfo , AC Raul Tagle at mga Community Volunteers ang kanilang award.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ang DSWD Kalahi CIDSS sa Rehiyon 8 ay nagsawaga ng 5th Regional Bayani ka! Awards sa nakaraang Nobyembre 22 taong kasalukuyan sa CCA Leyte Park, Tacloban City na may temang “Pagsalin-urog: Pagdiriwang sa husay at dangal ng mga bagong bayani.”

Ang Bayani Ka award! ay ang tauna at mataas na rekognasyon na iginagawad ng DSWD Kalahi CIDSS sa mga Community Volunteers at partner LGUs dahil sa kanilang di matatawarang kontribusyon na itaguyod ang Community-Driven Development sa buong bansa.

Ito ay isang paraan upang ipagdiriwng ang tagumpay ng mga komunidad na labanan ang kahirapan at kawalang kapangyarihang baguhin ang kanilang pamumuhay. Ang mga bayani ka awardees ay ang mga bagong bayani dahil sa kanilang bisyon, aksiyon, yakag, abilidad, pakikiisa,integridad o inspirasyon at sama-samang pagkilos nang may malasakit.

Nahahati sa dalawang kategorya ang mga parangal sa Bayani Ka! Awards. Ito ang Bayan na kumakatawan sa mga lokal na gobyerno gaya ng barangay at munisipyo. Sa ilalim nito ay may mga sub-category na Model Municipal Coordinating Team, Model Municipal Inter-Agency Commitee (MIAC), Model Municipal Local Government Unit and Barangay Local Government Unit implementing Kalahi CIDSS.

At ang pangalawang kategorya ay ang Bayanihan, na kumakatawan sa mga komunidad na nagpamalas ng angking kahusayan sa pagkamit ng makabuluhang resulta sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos. Ito ay may 9 na sub-category:  Elderly, Environment Protection,   Gender and Development, Youth, Sustained Community Volunteers’ Group, PWD, Promotion of Just Peace, Indigenous People at Improved Local Governance.

Nasa ikalimang taon na ang Bayani ka! Awards sa Region 8 at ang mga matatagumpay na grupo o komunidad na napiling gawaran bilang mga awardees ay ang mga sumusunod.

Para sa bayan sa sub-category na Model LGU implementing Kalahi CIDSS ay iginawad sa LGU ng Mayorga Leyte.

Ang mga sumusunod ay mga nagwagi para sa kategoryang Bayanihan: sa Elderly ay ang Barauen Concerned Senior Citizens’Association (CONSENCIA) ng Burauen, Leyte, sa Environment Protection ay ang LGU Tabontabon Leyte, sa Gender and Development ay ang Womens’ Group and Farmers’ Association ng Talalora, Samar, sa Sustained Community Volunteers’ Group ay Mahagna Water System Beneficiary (Mahagna) ng Abuyog Leyte  at sa Improved Local Governance ay ng LGU Sulat, Eastern Samar.

Mayroon ding Sama-samang pagkilos nang may malasakit special awardees para sa bayanihan na kategorya na binigyan ng rekognasyon ng Regional Program Management Office . Ito ay ang mga sumusunod: Barangay of Local Government Unit of Ibag Water Association (BIWA) ng Barugo leyte at Minaanod Fishermen Association (MIFA) ng Llorente Eastern Samar para sa sub-category ng Environment Protection, ang Cansolabao Water Sustainability Workers’ Association (Cansuwasa) ng Hinabangan, Samar Calian Water System and Sanitary Association (Calwasa) Liloan, Southern Leyte para sa Sustained Community Volunteers’ Group at ang BLGU Ibag ng Barugo Leyte , LGU Matag-ob Leyte, LGU San Isidro ng Northern Samar at LGU Mayorga Leyte para sa Improved Local Governance.

Ang mga awardees ay ginawaran nila DSWD Regional Director Restituto Macuto, Assistant Regional Director for Operation Marcela Lim at Promotive Services Division Chief Natividad Sequito.

Sabi pa ni RD Macuto na siyang nagbigay ng inspirational message sa nasabing aktibidad,  Hindi sapat ang plaque o ang gabing ito upang maiabot namin ang aming pasasalamat sa inyong sakripsiyo at walang kapaguran sa  paglilingkod.”

Pinapasalamatan ni RD Macuto ang sakripisyo at pagkakaisa ng mga Community Volunteers at LGUs sa 15 taon ng implementasyon ng Kalahi CIDSS sa Silangang Visayas. Hangad naman ni ARDO Lim na maipagpatuloy ng mga Community Volunteers at LGUs ang pagpalaganap ng Community-Driven Development sa buong bansa. #