Si Joel Draga ay nagsimula bilang on-the-job trainee sa Kalahi CIDSS sa Naval Biliran at kalaunay naging isang job order employee ng parehong programa sa Albuera Leyte. Sa loob ng halos 6 na buwan ay nahubog ang kanyang kakayahan at karanasan sa proseso ng Kalahi CIDSS at ngayon ay isa na siyang Technical Facilitator sa parehong programa at kasalukuyang naitalaga sa Bontoc, Southern Leyte. Ilan lamang sa mga tungkulin ng Technical Facilitator ay ang paggabay sa komunidad sa pagbigay ng technical input sa mga detailed cost estimates at program of works at pagsuri ng mga dokumento ng procurement na naisagawa ng komunidad.

Ika nga ni Mr. Draga, “Ako ay nanatiling nagserbisyo sa loob ng Kalahi CIDSS program dahil iba ang fulfillment na aking nakukuha rito. Bilang isang inhenyero, gusto ko ang proseso ng programa dahil may involvement ang komunidad sa planning at monitoring ng sub-project. Ang mga tao ay nagiging inhenyero sa pagpapaunlad ng kanilang pamayanan.”

Ang Kalahi CIDSS program sa pamamagitan ng Community-Driven Development ay nagbibigay ng opurtunidad sa mga tao na magplano at maging kasali sa pagsagawa ng mga proyekto.