Bilang aktibong mamamayan, ang programa ay hinihikayat ang lahat, kabilang na ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na gampanan ang karapatang bumoto.

Higit sa lahat, pangalagaan ang pagiging lihim at sagrado ng boto, dahil dito nakasalalay ang pamamalakad sa bayan sa susunod na mga araw.

Ang Fake or Fact Sheet naman na ito ay nagsisilbing gabay sa mga benepisyaryo ng 4Ps upang protektahan sila at ang programa laban sa posibleng pagsasamantala sa panahon ng halalan. Naglalayon itong magbigay ng tamang impormasyon sa mga benepisyaryo upang sila ay bigyang-tuon at kapangyarihan sa kanilang aktibong pagkamamamayan.

#DSWDMayMalasakit #DSWDKalingaAtPagmamahal