Maligayang buwan ng mga puso!

Patuloy ang pinapakitang pagmamahal at mainit na pagyakap ng pamayanan sa Community-Driven Development. Dahil rito ay patuloy na pinapaigting ng departamento sa pamamagitan ng Kalahi CIDSS program ang serbisyo nitong may puso para sa mga pamayanan.

Para kay Julita Ansale isang boluntir mula sa Silago, Southern Leyte ay malaki ang pagmamahal nito sa Kalahi CIDSS program. Hindi lang dahil sa proyektong binibigay ng programa kundi pati rin ang pagpapalakas nito ang moral na aspeto ng mga tao. Dahil ang kanilang kakayahan at boses ay napapakinggan.

#DSWDMalasakit

#DSWDKalingaAtPagmamahal