Pinangunahan ni Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Municipal Link Gina Opana ng DSWD Field Office VIII ang pag-gawa ng mga hand sanitizers para sa mga beneficiaries sa munisipyo ng General MacArthur, Eastern Samar.

Ito ay bilang paghahanda sa gagawing payout upang maiwasan ang paglaganap ng nakamamatay na Corona Virus o COVID-19.

Ginamit niya ang kanyang sariling personal na pera upang bumili ng mga sangkap gaya ng zonrox para sa nasabing sanitizers. Ang pinaglagyan naman ng mga panlinis ng kamay na ito ay mga recycled bottles mula sa kanilang lugar. 

Katulong ni Opana sa mahalagang inisyatibong ito ang iba pang DSWD staff, nurses mula  sa kanilang Rural Health Unit, at mga 4Ps parent leaders.

Samantala, ang 4Ps payout sa Eastern Visayas Region ay magsisimula ngayong Abril 2020. Ngunit hindi sabay sabay ang pagkuha ng grants dahil na nga sa implementasyon ng Physical Distancing sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ang mga benepisyaryo ay mahigpit na pina-aalahanang makipag-ugnayan at sumunod sa abiso ng City o Municipal Links.  

#DSWDKalingaAtPagmamahal

#DSWDMayMalasakit

@dswdserves @Department of Social Welfare and Development