Si Isidro ‘Doy’ Glino, ay isang DSWD staff na assigned sa munisipyo ng Oras, Eastern Samar at tumutulong sa LGU upang maihatid ang serbisyong may malasakit sa mga mamamayan.

Isa si Doy sa mga tumutulong sa relief operations ng bagyong Ambo. Ibinahagi niya na kailangan niyang gumising ng alas sais ng umaga upang makapaghanda sa gagawing relief operations at minsan ay aabutin pa ng gabi upang maihatid lamang ang mga family food packs sa mga upstream barangays.

Hindi lang relief operations ang ginagawa ni Doy, tumutulong din siya sa pagsagawa ng SAP post-validation activity katuwang ang ibang staff ng DSWD at LGU. Bilang isang Kalahi Area Coordinator naman ay abala din si Doy at ang kanyang team sa mga pre-implementation activities ng Kalahi CIDSS program.

Ikinagagalak niyang makapagsilbi sa bayan.

Ika nga niya, “ I have to be ready at 6am to prepare for relief operations at minsan nagagabihan kami sa pag-distribute sa upstream barangays. Maraming pagsubok at sakripisyo ang aking pinagdaraan bilang frontline worker. Pero hindi ko alintana lahat ng iyun dahil sa panahon ngayon mas lalong kailangan ng mga tao ang may malasakit na serbisyo. It’s fulfilling to touch the lives of vulnerable people. Hindi mapapantayan at mapapalitan ng kahit ano mang material na bagay ang makapaghatid ng ngiti at pag-asa sa mga mamamayang mithi ay ginhawa.”

#DSWDMayMalasakit
Department of Social Welfare and Development