Karaniwan, nakakaranas ang Pilipinas ng 24 na mga bagyo sa loob ng isang taon, at karamihan ng mga bagyong ito ay nagaganap sa panahon ng typhoon months, simula Hulyo hanggang Disyembre. Ngayong nakapasok na tayo sa “ber” months, inaasahang  mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng bagyo. Kaya sa harap ng banta ng bagyo at sa kagitnaan ng pandemic, naghahanda ang DSWD.

Ngayong buwan, nakapaghanda na ang DSWD ng 20,271 na Family Food Packs (FFPs). Bawat FFP ay naglalaman ng anim na kilo ng bigas, anim na sachet ng kape, cereal drink at sari-saring de lata katulad ng corned beef, beef o meat loaf at sardinas o tuna. Maliban dito, may nakahanda na ring Non-Food items ang DSWD, katulad ng sleeping kits, kitchen kits at mga malong. 

Lahat ng relief items na ito ay handa na at maaring ipadala sa mga nangangailang LGU na nagrerequest upang mai-preposition na o maihanda ang mga goods, bago pa dumating ang bagyo.

Mayroon ding Standby fund ang DSWD na maaring gamitin para bumili ng mga sangkap para makagawa ng karagdagang FFP.

#DSWDMayMalasakit