Nag-anunsyo si DSWD Regional Director, Marie Angela Gopalan, ng Rehiyon Otso na ang pagdisiplina sa mga menor de edad na anak sa pagsunod sa mga quarantine protocols ay magsisimula sa bahay. Ang ama at ina ay unang dapat mag-giya sa mga bata kung ano ang tamang gawin, lalo na ngayong pandemic.

Ayon pa sa report ng Regional Justice Welfare Council ng DSWD VIII, umabot sa 519 ang kaso sa paglabag sa protocols ng mga bata nitong Enero hanggang Marso, itong taon. Samantala, 560 naman ang mga kaso nitong Abril hanggang Hunyo.

Idiniin ni Agnes Bugal ng RJJWC, na ang bilang nito ay ang naireport lang ng ilang mga lokal na pamunuan dito sa rehiyon.

Sa kabilang dako, pinaala-ala naman ni Director Gopalan ang tamang paghawak sa mga kaso ng mga menor de edad, lalo na sa barangay. Aniya niya, may mga batas na ngproproteher sa mga karapatan ng mga bata na sila ay hindi dapat idaan sa dahas kundi sa pagpa-intinde sa kanila sa pamamagitan ng pakipag-usap at tamang pagdisiplina sa bata.

#DSWDMayMalasakit
#DSWDKalingaAtPagmamahal

Agnes Bugal ng RJJWC Secretariat, sa isa sa mga regular na miting ng Council na ginanap nitong taon.