Nagsimula na ang pamamahagi ng DSWD Eastern Visayas ng P5,000 Emergency Subsidy bilang bahagi ng reimplementation ng Bayanihan 2 (B2). 

Sa pinakahuling tala, nakapamahagi ang DSWD ng P13,255,000 para sa 2,651 na mga benepisaryo mula sa Abuyog, Leyte. Inaasahan namang makakapagsimula ang distribusyon sa iba pang mga munisipyo sa lalong madaling panahon habang patuloy ang pamamahagi ng DSWD nitong emergency Subsidy.  

Sa ilalim ng Bayanihan 2, ilang mga kwalipikadong pamilya na nakatira sa mga lugar na isinailalim sa granular lockdown ang makakatanggap ng Emergency subsidy. Ang granular lockdown ay ang mga barangay, block, purok, sitio, kalye, residential building o mga bahay na idineklarang critical zone ng Department of Interior and Local Government (DILG) at sinang-ayunan ng Regional Inter-Agency Task Force (RIATF). 

Matatandaang nagsimula ang pamamahagi ng DSWD ng Emergency Subsidy para sa B2 noong Disyembre 2020. Subalit, dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19, dumami din ang mga lugar na isinailalim sa granular lockdown, kaya ipinatupad ang reimplementation ng B2. 

Maaring makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal upang malaman kung may iskedyul ng distribusyon sa inyong munisipyo. 

📸 Ryan Carlo Esguerra, Ruby Mueva

#DSWDMayMalasakit