Tingnan: Nagrelease ang DSWD Eastern Visayas ng 400 na Family Food Packs (FFPs) para sa Biliran, Biliran, isa sa mga munisipyo na lubhang naapektuhan ng bagyong Dante. Ayon sa ulat na nakalap ng DSWD mula sa lokal na pamahalaan, 704 na pamilya (2,506 na indibidwal) ang naapektuhan ng bagyo.

May inilaan ang DSWD na 1,408 na FFPs para sa munisipyo matapos ito i-request ng Local Government Unit. Inaasahang maipapadala itong mga FFPs sa lalong madaling panahon.

Bawat FFP ay may laman na anim na kilo ng bigas, apat na corned beef, apat na tuna flakes, dalawang sardinas, limang cereal drink at limang kape.

📸 Kenneth Villareal

#DSWDMayMalasakit