Tingnan: Patuloy ang produksyon ng DSWD Eastern Visayas ng Family Food Packs (FFPs) bilang paghahanda sa mga sakuna. Sa kasalukuyan, may nakaimbak na 10,493 na FFPS ang DSWD sa buong Rehiyon.

Bawat FFP ay may laman na anim na kilong bigas, apat na corned beef, apat na tuna flakes, dalawang sardinas, limang cereal drinks at limang kape. Handang i-release itong mga FFPs sa mga munisipyo na magrerequest mula sa DSWD.

Patuloy naman ang DSWD sa pagresponde sa mga request mula sa mga munisipyong naapektuhan ng bagyong Dante. Sa pinakahuling tala, nakapag-release na ang DSWD ng 1,036 na FFPs para sa Maasin City, Southern Leyte, habang may 1,408 naman na nakalaan para sa Biliran, Biliran.

#DSWDMayMalasakit