Nagrelease kamakailan ang DSWD Eastern Visayas ng 5,000 na Family Food Packs (FFPs) bilang tulong sa DSWD Field Office VI (Western VIsayas), alinsunod sa direktiba ni DSWD Secretary Rolando Bautista. Ang release na ito ay augmentation para sa isinasagawang relief operations ng ahensya para sa mga pamilyang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa COVID19.

Bawat FFP ay may laman na anim na kilo ng bigas, limang kape, limang cereal drink, at halu-halong mga de lata, katulad ng apat na corned beef, apat na tuna flakes at dalawang sardinas.

Samantala, nagpapatuloy naman ang DSWD Eastern Visayas sa produksyon ng FFPs. Ayon kay Regional Resource Operations Section (RROS) Head Rey Peñaranda, “sa ngayon, ongoing na ang ating proseso sa pagkuha ng mga raw materials. Hinihintay natin ang go signal mula sa ating Procurement. Kapag may raw materials na, maari na tayong makapagsimula sa repacking ng mga FFPs upang mapalitan natin agad ang ating mga inirelease.”

#DSWDMayMalasakit