Nagsimula na ang pag-release ng DSWD Eastern Visayas ng Family Food Packs (FFPs) para sa mga munisipyong naapektuhan ng bagyong Jolina. Unang nag-withdraw ang munisipyo ng Burauen ng 400 na FFPs (na nagkakahalaga nang P217,572) mula sa Regional Resource Operations Section ng DSWD. Inaasahan namang magsisimula ang iba pang mga apektadong Local Government Units sa pag-withdraw nitong mga FFPs sa lalong madaling panahon.

Sa ngayon, may paunang alokasyon ang DSWD na 19,507 na FFPs para sa mga LGU na naapektuhan ng bagyo na nag-request ng relief items mula sa ahensya.

Ipinapaalala ng DSWD na ayon sa Section 15 ng Republic Act (Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act), ang unang rumeresponde sa mga sakuna ay ang lokal na pamahalaan, at maari silang mag-request ng dagdag na relief items mula sa DSWD kapag kinakailangan.

#DSWDMayMalasakit