Pagsayaw. Pagkanta. Pagtula. Pagdula-dulaan. Paglikha ng sining.

Sa ganitong paraan ipinagdiwang ng mga bata sa Home For Girls (HFG) ang Children’s Month, na may temang New Normal na Walang Iwanan: Karapatan ng Bawat Bata, Ating Tutukan.

Ayon kay Center Head Delia Aguirre, “Ang Children’s Month ay isang pagdiriwang sa karapatan ng mga bata. Para ito sa mga batang katulad dito sa HFG, na mga survivor ng pang-aabuso. Itong mga aktibidad ay bahagi ng healing process ng mga bata, isang paraan upang malagpasan nila ang trauma na naranasan nila at mabuild-up ang kanilang self-esteem.”

Ang Home for Girls ay isa sa mga Residential Facilities ng DSWD Eastern Visayas, kung saan kinukupkop at inaalagaan ang mga kababaihang 7-17 na taong gulang na naging biktima ng pisikal o sekswal na pang-aabuso at iba pang mga di kanais-nais na mga pangyayari.

Tugma sa tema ng Children’s Month, nagpapatuloy naman ang operasyon ng mga Residential Facilities ng DSWD ngayong panahon ng pandemya. Ayon kay Aguirre, “strikto naming ipinapatupad ang mga health protocols. Lagi kaming nagsusuot ng facemasks, may mga footbaths, at alcohol dispensers. Ang aming mga houseparent ay required na magpalit ng kanilang damit bago makisalamuha sa mga residents. Nilimitahan din natin ang mga pisikal na pagbisita.”

Patuloy din ang DSWD at mga partner agencies sa paghahanap ng hustisya para sa mga kabataan na ito. Dagdag ni Aguirre, “may mga ongoing na mga kaso laban sa mga umabuso sa mga kabataan na ito.”

#DSWDMayMalasakit