Nagpadala ng dagdag na Family Food Packs (FFPs) ang DSWD Field Office I sa Southern Leyte bilang bahagi ng patuloy na isinasagawang relief operations para sa mga naapektuhan ng bagyong Odette. Sa tulong ng Philippine Navy, Philippine Army at Philippine National Police, nakapagpadala ang DSWD ng 4,974 na dagdag na FFPs sa limang LGUs – 1,530 sa Maasin City, 1,032 sa Malitbog, 1,002 sa Macrohon, 408 sa St. Bernard, at 1,002 sa Tomas Oppus.

Ipinapaalam naman ng DSWD na maaring nakabalot sa plastic ang mga FFPs na ito, subalit pareho pa rin ang laman nito sa mga FFPs na naka-karton – anim na kilo ng bigas, sampung de lata (corned beef o beef loaf, tuna flakes at sardinas), limang kape at limang energy drink.

Samantala, patuloy naman ang relief operations para sa mga naapektuhan ng bagyo. Sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang DSWD Eastern Visayas ng 181,318 FFPs na nagkakahalaga ng P104,969,212.38.

Makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal para sa distribusyon ng relief items sa inyong lugar.

#DSWDMayMalasakit
#OdettePH