Namahagi ang DSWD Eastern Visayas ng 9,293 na Family Food Packs (FFPs) sa probinsya ng Eastern Samar bilang bahagi ng patuloy na isinasagawang relief operations para sa mga naapektuhan ng bagyong Agaton. Sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan, nakapamahagi ang ahensya ng 8,100 na FFPs sa Guiuan, kasama ang ilang barangay sa isla ng Homonhon, at 1,193 sa Arteche.

Sa kabuuan, nakapamahagi na ang DSWD ng 46,334 na FFPs na nagkakahalaga nang P29,285,854.32. Dagdag dito, nagkaroon din ng distribusyon ng P1,010,000 na Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) bilang tulong sa mga naapektuhan ng landslide.

Patuloy naman ang isinasagawang relief operations.

#DSWDMayMalasakit
#AgatonPH