Simula na ng tag-ulan!

Inanunsiyo kamakailan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na simula na ng tag-ulan, lalo na sa Luzon at ibang bahagi ng Visayas.

Bilang paghahanda sa tag-ulan, may nakaimbak ang DSWD Eastern Visayas na 23,900 Family Food Packs (FFPs). Sa bilang na ito, 17,819  ang nakaimbak sa main warehouse ng DSWD sa Regional Resource Operations Section, habang ang 6,081 na FFPs naman ay naka-preposition, o nakaimbak sa iba’t-ibang strategic na lokasyon sa Rehiyon. 

Bawat FFP ay may laman na anim na kilong bigas, apat na corned beef, apat na tuna flakes, dalawang sardinas, limang kape at limang energy cereal drink . Sapat ito para sa dalawa hanggang tatlong araw para sa pamilyang may limang miyembro.

Ayon sa Republic Act 10121, ang lokal na pamahalaan ang unang sumasaklolo sa panahon ng mga sakuna. Maaaring magpadala ang DSWD ng augmentation ayon sa pangangailangan ng mga LGU.