Tingan: Nagsasagawa ang DSWD Eastern Visayas ng distribusyon ng Family Food Packs (FFP) sa Palompon, Leyte. Nag-release ang ahensya ng 3,000 FFPs sa nasabing munisipyo. Bahagi ito sa relief operations para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Agaton.

Sa kabuuan, nakapag-release na ang DSWD ng 56,336 na FFPs. Nagkakahalaga ito ng P35,464,897.32. Bawat FFP ay naglalaman ng anim na kilo na bigas, apat na corned beef, apat na tuna flakes, dalawang sardinas, limang kape at limang energy cereal drink. Maliban dito, namahagi din ang ahensya ng P11,010,000.00 na financial assistance.

Ipinapaalala naman ng DSWD na ayon sa Republic Act 10121, ang relief operations na ito ay suporta lamang o augmentation sa LGU. Ang mga lokal na opisyal ang namamahala sa paglilista ng mga benepisaryo. 

photo credits: DSWD Staff

#DSWDMayMalasakit