Si Precy Arce, grantee ng 4Ps Model Family na isa sa 1,843 self-sufficient beneficiaries na binigyang pugay sa Tacloban City kamakailan ay nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa programa, “Lubos po akong nagpapasalamat sa pamahalaan para sa isang dekada ng aming pagiging 4Ps at sa lahat ng mga tumulong sa amin. Malaking tulong ang pagsuporta at pag-gabay ng 4Ps. Natustusan ang mga kailangan sa school ng mga bata at sa Family Development Sessions (FDS) tinuruan po kami tungkol sa halos lahat ng aspeto sa buhay gaya ng kung paano ang tamang pgbudget at pagdisiplina sa mga bata, paghahanda tuwing may disaster, importansya ng malinis na kapaligiran at paano makaiwas sa ibat ibang uri ng sakit.”

Naibahagi ni Precy na maaga siyang nag-asawa at nagkaanak kaya naman naging mahirap ang buhay. Noon wala silang kakayanan na mag-asawa at lugmok sa hirap. Minsan walang makain. Mas naghirap ang kanilang pamilya ng nanalasa ang Super Typhoon Yolanda. Nasira ang kanilang bahay at muntik pa silang mawalan ng buhay kung hindi sila naka-akyat sa bubungan ng kapitbahay.

Subalit naniwala silang may pag-asa dahil sa napakaraming dumating na tulong mula sa gobyerno at sa ibat ibang organisayon. At nariyan ang 4Ps. Tuwing payout priority nila Precy ag pagbili ng bigas at pangangailangan ng mga bata lalo sa pag-aaral.

“Ang kahirapan at kawalan ay pansamantala lamang. Hindi masamang ipanganak ng mahirap. Ang masama ay kung wala tayong gawin upang makaahon sa hirap. Mayroon po tayong kakayanan na baguhin ang ating istorya para mas maging magandang version ng buhay. Nasa atin po iyun na makamit ang gusto nating tagumpay,” ika nga ni Precy.

Naging maunlad ang cake business ng mag-asawa at ang mga anak ay school achievers. Dagdag ni Precy, “Maraming salamat sa isang dekada ng pagbabago at pag-angat ng Diyos sa buhay namin. Muli nagpapasalamat kami sa Panginoon, sa pamahalaan at sa 4Ps, DSWD, CSWDO, TESDA, at sa lahat. Dahil po sa inyong tulong at pag-gabay nakamit namin ang tagumpay.”

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

Read more at https://fo8.dswd.gov.ph/…/1843-self-sufficient-4ps…/