Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VIII ang oryentasyon para sa implementasyon ng Project LAWA at BINHI sa taong 2025. Isa sa mga nabigyan ng oryentasyon ay ang lokal na pamahalaan ng Capul mula sa probinsya ng Northern Samar. Dumalo rito ang mga kinatawan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng nasabing lokal na pamahalaan.
Ayon sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga kapitan ng barangay, buo ang kanilang suporta sa programa. Naniniwala silang may mga lugar sa Capul na angkop para sa mga layunin ng Project LAWA at BINHI, lalo na’t kapansin-pansin ang mga benepisyong dulot nito sa ilang lokal na pamahalaan sa Northern Samar.