Ang LAWA at BINHI ay hindi lamang proyekto ng DSWD kundi ito ay isa ring kabuhayang nagbibigay pag-asa.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, tinuturuan ang mga benepisyaryo mula sa mga baybaying lugar ng Lapinig, Northern Samar kung paano gawin na masustansya at patok na produkto ang ordinaryong seaweed.

Ilang sa mga produkto na kanilang ginawa ay seaweed crackers, seaweed ice cream, at seaweed puto.

Layunin ng LAWA at BINHI na mabigyan din ng kabuhayan ang mga benepisyaryo sa pamamagitan ng pagsasanay sa food processing gamit lang ang mga likas na yaman ng kalikasan.

#projectlawaatbinhi
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD