Sa pangunguna ng KALAHI-CIDSS Regional Program Management Office ng ahensiya, isinagawa ang nasabing aktibidad para sa 295 na mga benepisyaryo ng programa sa NwSSU noong ika-15 ng Agosto 2025.
Tinatayang aabot sa Php 2,386,468.92 ang kabuuang halaga na naipamahagi ng programa para sa nalikom na sahod ng mga benepisyaryo para sa buwan ng Hulyo.
Matatandaan na sa kaugnay ng implementasyon ng programa, makatatanggap ang bawat college graduate at student na mga benepisyaryo nito ng Php 435.00 na minimum daily wage rate hanggang sa makumpleto nila ang 50 araw na pakikipag-ugnayan sa programa.
#MagKalahiTayoPilipinas
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
















