Isinagawa noong ika-6 ng Agosto 2025 ang isang orientation at assessment activity sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP), sa pakikipagtulungan ng Parole and Probation Office (PPO). Layunin ng aktibidad na matulungan ang mga parolee at probationer mula sa bayan ng San Roque na makapagsimula ng kabuhayan at magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa mga programang iniaalok ng SLP.

Labingwalong (18) kalahok na kinabibilangan ng mga parolee at probationer ang dumalo sa naturang aktibidad. Tinalakay sa orientation ang mga mahahalagang paksa ukol sa SLP at mga estratehiya sa pagpapatupad ng mga proyektong pangkabuhayan.

Pinangunahan ang aktibidad nina Chief Probation and Parole Officer Alfredo De los Santos at PPO Administrative Aide Leah Talacay. Nakiisa rin sa pagsasagawa ng aktibidad sina Ethel Tan, SLP Provincial Coordinator para sa Northern Samar, at Sabreen Madeja, Implementing Project Development Officer ng SLP.

Bilang susunod na hakbang, isasagawa ang cross-matching ng mga kalahok sa SLP database upang matukoy kung sila ay nabigyan na ng kaukulang serbisyo. Nakatakda namang isagawa ang Organizational Development and Leadership Training, at ang pagbuo ng kanilang sariling Sustainable Livelihood Program Association (SLPA). 🌱

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#SustainableLivelihoodProgram
#SulongKabuhayanTungoSaPagyabong