Araw man o gabi, tuloy-tuloy ang relief distribution ng Department of Social Welfare and Development Field Office VIII para sa mga pamilyang apektado ng Bagyong #TinoPH sa Dolores, Eastern Samar.

Sa ngayon, aabot na sa 547 Family Food Boxes ang naipamahagi ng ahensya, at magpapatuloy pa ang distribusyon para sa mahigit 1,000 pang benepisyaryo.

Kasamang namahagi ang mga City/Municipal Action Team at ang Lokal na Pamahalaan ng Dolores upang matiyak ang maayos at mabilis na pagbibigay ng tulong sa mga pamilya.

Patuloy ang response operations ng DSWD sa lugar hanggang makumpleto ang pamamahagi sa lahat ng target na pamilyang apektado ng bagyo.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD