Katuwang ang Tactical Operations Group 8 ng Philippine Air Force, nakapagpaabot ang DSWD Eastern Visayas ng 250 Family Food Boxes (FFBs) sa Hinunangan, Southern Leyte.

Bawat FFB ay may laman na anim na kilong vacuum-sealed na NFA na bigas, limang kape, limang energy cereal drink, at sampung de lata.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagpapaabot ng DSWD ng relief items sa mga naapektuhan ng bagyong Tino. Nakahanda naman ang ahensya na rumesponde sa mga Local Government Units na magre-request ng augmentation.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD