Nagsagawa ang Angels in Red Vest ng DSWD FO 8 ng validation at assessment sa mga pamilyang nasiraan ng bahay dulot ng Bagyong Tino sa Ormoc City.
Ito ay bahagi ng mandato ng ahensya na masiguradong ligtas at magkaroon ng pansamantalang matutuluyan ang mga mamamayan ng rehiyon na apektado ng kalamidad.
Samantala may mga nakatalagang kawani ng ahensya sa ibat-ibang apektadong lugar upang matiyak na patuloy ang daloy ng komunikasyon kung sakaling mangailangan ng tulong.














