Patuloy ang pamamahagi ng tulong ng Department of Social Welfare and Development Field Office VIII sa Sulat, Eastern Samar matapos ang pananalasa ng Bagyong #TinoPH.

Nasa 172 na pamilya na ang nakatanggap ng Family Food Boxes (FFBs) at magpapatuloy pa ang pamamahagi sa higit 1,000 pamilyang naiulat na apektado.

Katuwang ng DSWD sa distribusyon ang City/Municipal Action Teams, MSWDO, at iba pang kawani ng lokal na pamahalaan upang matiyak na maayos at mabilis na makarating ang tulong sa lahat ng mga mnaapektuhan.

Bahagi ito ng “whole-of-nation approach” na direktiba ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para matiyak na ang pamamahagi ng tulong ay mabilis, maayos, at naaabot ang bawat pamilya sa oras ng pangangailangan.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD