Masustansyang gulay ang mga naani ng SAMICA Association ng Barangay Caridad at Barangay Naparaan Salcedo, Eastern Samar bilang bahagi sa nagpapatuloy nilang proyekto sa ilalim ng DSWD Project LAWA at BINHI.
Kabilang sa mga naaning gulay ay kalabasa, talong, ampalaya, sitaw at pipino na naibenta ng mga benepisyaryo bilang dagdag na kita sa pangaraw-araw nilang pangangailangan.
Ang proyektong ito ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng komunidad na harapin ang epekto ng climate change sa pamamagitan ng pagtutok sa sapat na suplay ng tubig at pagtanim ng mga pagkain makatutulong matugunan ang seguridad sa pagkain.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#projectlawaatbinhi

















