TINGNAN: Isinasagawa ngayong Oktubre 15, 2025 ang Food Redemption para sa mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program sa mga sumusunod na lugar:

📍 Tarangnan at Zumarraga, Samar

📍 Mercedes at Giporlos, Eastern Samar

📍 Victoria, San Antonio, at San Isidro, Northern Samar

📍 Isabel, Calubian, at Ormoc City, Leyte

Kasabay nito, nagsagawa rin ng Gardening Orientation at Seeds Distribution para sa mga benepisyaryo sa Tarangnan, Samar; habang Skills Profiling at Gardening Orientation naman ang isinagawa sa Zumarraga, Samar, at Seeds Distribution sa Ormoc City.

Nagsagawa rin kahapon ng Food Redemption sa Mondragon, Northern Samar.

Tinitiyak ng ating mga Community Engagement Coordinators (CECs) ang maayos na daloy ng mga aktibidad at sinisiguro na ang mga pagkaing natatanggap ng mga benepisyaryo ay sariwa, dekalidad, at ligtas para sa kanilang pamilya.

#WalangGutomProgram
#SaBagongPilipinasWalaNangGutom
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD