Nagsimula nang mag-ani ang mga benipisyaryo ng Project LAWA at BINHI sa Barangay Bayho, Lope de Vega, Northern Samar. Kabilang sa mga naaning pananim ay talong, pipino, sitaw, at upo, na nagpapatunay ngang may bunga ang sipag, tiyaga at pagtutulungan ng komunidad.
Umabot sa sampong kilo (10 kilos) ang masayang naaning gulay ng mga benepisyaryo mula sa kanilang communal garden. Ang mga ito ay hindi lamang nagsisilbing karagdagang pagkain ng bawat benepisyaryo kundi isa ring simbolo ng tagumpay ng proyektong naglalayong tugunan ang problema sa seguridad sa pagkain at kabuhayan sa kanilang lugar.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#projectlawaatbinhi




















