Namahagi ang DSWD Field Office VIII ng family food boxes (FFBs) sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong #TinoPH sa San Francisco, Southern Leyte.
Maagap na naipaabot sa 944 pamilya ang mga FFB upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa pagkain.
Nanatiling nakaantabay ang DSWD Field Office VIII para mas matulungan pa ang mga lokal na pamahalaang nangangailangan.





















