Nagtungo ang Social Marketing Unit ng Department of Social Welfare and Development Field Office VIII sa Brgy. Canlapwas Catbalogan City, Samar upang magsagawa ng impormatibo at makabuluhang Information Caravan sa ilalim ng programang Tamang Tulong sa Tamang Impormasyon (3TI).

Ito ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng ahensya upang itaguyod ang transparency, accessibility at tamang kaalaman patungkol sa mga serbisyong panlipunan ng DSWD para sa lahat, at maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon o fake news sa mga programa at serbisyo nito.

Maliban dito, tinalakay din nina Mr. Benjie Pelen, Regional Program Coordinator, at Mr. Ariel Boleche, Samar Provincial Coordinator, ang Sustainable Livelihood Program, kabilang ang mga alituntunin nito at ang kahalagahan nito sa mga benipisyaryo.

Samantala, tinalakay naman ni City Social Welfare and Development Officer (CSWDO), Ms. Annie Mustacisa ang best practices ng Catbalogan City, Samar sa pagpapatupad ng ibat-ibang Social Welfare and Development programs and services upang matiyak na naipapatupad nang maayos ang mga programang angkop sa pangangailangan ng komunidad.

Sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa komunidad, mas masisiguro na mabibigyang-linaw ang mga mamamayan hingil sa mga isyu, proseso at benepisyong kaakibat ng mga programa at serbisyo ng ahensya.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD