Ligtas na naihatid ng Angels in Red Vest ng DSWD FO 8 katuwang ang Philippine Army ang 500 family food boxes sa Barangay Hilaan, Bontoc, Southern Leyte.
Ang bawat kahon ay malaking tulong na matustusan ang pagkain ng mga nasalanta ng Bagyong #TinoPH sa nasabing lugar.
Tinitiyak ng ahensya na sa kabila ng hamon ng kalamidad, gaano man kahirap ang daan o nasaan sulok kaman ng rehiyon, maipaparating ng maayos at mabilis ang relief items dahil #BawatBuhayMahalagaSaDSWD












