Siyam na barangay sa bayan ng MacArthur, Leyte ang napaabutan sa nagpapatuloy na relief distribution ng DSWD Field Office 8 dulot ng pananalasa ng Bagyong #TinoPH sa rehiyon.

Bawat FFB ay naglalaman ng anim na kilong bigas, limang sachet ng kape, limang cereal energy drinks at sampung de-lata na makatutulong matugunan ang kanilang pangangailangan sa pagkain.

Kabilang sa mga lugar na napaabutan ng tulong ang Barangay Tuyo, Poblacion District 1, Poblacion District 2, Poblacion District 3, Maya, Pongon, San Pedro, Romualdez at San Isidro, MacArthur Leyte.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD