Patuloy na isinasagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 8 – National Household Targeting Section (NHTS) ang PhilSys verification gamit ang Basta Beripikado, Mabilis ang Serbisyo (BBM Serbisyo), kasabay ng mga Social Pension payout sa iba’t ibang lugar sa rehiyon, kabilang ang Cabucgayan, Biliran at Kawayan sa Biliran, at San Miguel at Barugo sa Leyte.

Layunin ng aktibidad na matiyak na ang mga benepisyaryo ng DSWD ay nakarehistro sa Philippine Identification System (PhilSys), bilang mahalagang hakbang para sa mas mabilis na paghatid ng tulong at serbisyo ng ahensya.

Sa pamamagitan ng BBM Serbisyo, maaaring malaman ng bawat kliyente o benepisyaryo kung sila ay PhilSys-registered. Kapag nakumpirma ang kanilang impormasyon, ito ay awtomatikong naitatala sa DSWD Social Registry kasama ang kanilang PhilSys Card Number (PCN) upang magamit sa mga programa at serbisyo ng DSWD.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD