Nakisaya at nakibahagi ang DSWD Eastern Visayas sa ika-apat na Balik Sigla, Bigay Saya 2025 Nationwide Gift-Giving.

Sa pangunguna ni Regional Director Grace Subong, nagpakain at namahagi ang DSWD ng mga gift bag sa mga residente ng apat na Centers and Residential Care Facilities (CRCFs) nito. Bawat gift bag ay may laman na tumbler, lunchbox, at hygiene kit.

Nagpahayag naman ng tuwa at pasasalamat ang mga residents sa mga natanggap nilang regalo at sa kanilang pansamantalang paununuluyan sa CRCFs. Ayon sa isang resident, “Masaya ako sa center. Nagpapasalamat ako sa DSWD dahil may nag-aalaga, may nagbabantay, at may nagpoprotekta sa amin.”

May apat (4) na CRCFs ang DSWD Eastern Visayas na kumukupkop sa mga bata at mga babaeng inabandona o pinabayaan, naging biktima ng karahasan, krimen, o mga mahihirap na sitwasyon, at mga Children in Conflict with the Law (CICL) at mga Children at Risk (CAR). Kabilang dito ang Haven for Women, Home For Girls, Reception and Study Center for Children, at Regional Rehabilitation Center for the Youth.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD