Nagpaabot ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VIII ng mainit at masustansiyang pagkain sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong #TinoPH sa Barangay Libas, Saint Bernard, Southern Leyte ngayong araw, November 20.
Upang agad matugunan ang pangangailangan sa pagkain, agad na nag-deploy ang DSWD ng mga kawani at ang Mobile Kitchen nito sa nasabing munisipalidad. Naipamahagi ng mga Angels in Red Vests ang 300 packed meals sa mga pamilyang apektado ng nasabing bagyo.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga Local Government Units (LGUs) upang maihatid ang kinakailangang augmentation support para sa mga pamilyang apektado ng mga sakuna, dahil #BawatBuhayMahalagaSaDSWD.






















