Isa na namang matagumpay na oryentasyon tungkol sa Tara, Basa! Tutoring Program ang isinagawa ngayong araw, para sa mga estudyante ng Northwest Samar State University sa Calbayog City, Samar na naghahangad na maging tutors at Youth Development Workers (YDWs) sa ilalim ng Tara, Basa! Tutoring Program.

Tinalakay sa oryentasyon ang kanilang magiging mahalagang tungkulin at responsibilidad sa programa at nabigyan din sila ng pagkakataon para sa kanilang mga katanungan at paglilinaw.

Patuloy at buo ang suporta ng Northwest Samar State University ngayong nasa ikatlong taon na ang implementasyon ng programa sa darating na 2026.

Samantala, sinimulan na rin ng iba pang State Universities at Colleges sa rehiyon na kasali sa programa tulad na lamang ng Eastern Visayas State University Tacloban Main Campus at Ormoc Campus, Leyte Normal University, Samar State University at Visayas State University Baybay Main Campus, ang pagtanggap ng aplikasyon sa pamamagitan ng QR Code Scanning para sa mga college students na interesadong maging tutors at YDWs.

Ang tagumpay na ito ay patunay na handa na ang mga estudyante at mga unibersidad na magkaisa para sa edukasyon at pagpapaunlad ng bansa sa pamamagitan mg Tara, Basa! Tutoring Program.

#TaraBasaPH
#KabataanSaBagongPilipinas
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD