Isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VIII, katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) – North Leyte Field Office, ang oryentasyon sa Occupational Safety and Health (OSH) para sa 95 benepisyaryo ng convergence program ng Project LAWA at BINHI at DOLE TUPAD noong Nobyembre 18 sa Naval, Biliran.
Ang Project LAWA at BINHI, o Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished, ay naglalayong matulungan ang mga benepisyaryo na matugunan ang problema sa water sufficiency at food security sa mga komunidad, lalo na sa panahon ng climate change.
Mas pinalakas ang programa sa pakikipagtulungan ng ahensya sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).
Sa ilalim ng programang ito, binibigyan ang mga benepisyaryo, lalo na mula sa bulnerableng sektor, ng pansamantalang pagkakakitaan habang pinalalakas ang kanilang kaalaman at kakayahan tungo sa mas matatag at sustainable na pamumuhay.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#projectlawaatbinhi
















