Samar State University, patuloy ang matibay na suporta sa DSWD Tara, Basa! Tutoring Program para sa susunod na taon!

Tagumpay ang isinagawang oryentasyon tungkol sa Tara, Basa! Tutoring Program sa humigit-kumulang 300 na mga estudyante sa Samar State University (SSU) Catbalogan City sa Samar, ngayong araw ng Biyernes, ika-12 ng Disyembre 2025.

Ang naturang mga estudyante ay nagpahayag ng interes na maging tutors at Youth Development Workers para sa implementasyon ng programa sa susunod na taong 2026.

Isang malaking pasasalamat sa Unversity Faculty at TBTP Focal Person ng SSU na si Dr. Laura Boller, na dumalo sa aktibidad upang ipakita ang matibay na suporta sa programa. Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga estudyante na ipahayag ang kanilang mga katanungan tungkol sa kanilang magiging papel at tungkulin sa programa.

#TaraBasaPH
#KabataanSaBagongPilipinas
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD