Ang DSWD Field Office VIII kamakailan ay nagsagawa ng unang Consultative Meeting para sa taong 2017 kasama ang iba’t ibang Civil Society Organizations (CSOs) sa Hotel Alejandro, Tacloban City. Ito ay upang pagbutihin at palawakin ang pakikipagtulungan sa pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sa nasabing aktibidad, ang DSWD, Auxiliary Chaplains for Transformation Philippines Inc. (ACTPhil), at Relief International ay lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) para sa bagong partnership. Habang ang National Auxiliary Chaplaincy of the Philippines (NACPHIL), International Holistic Engagement for Life and Progress Inc. (IHELP), Northern Samar Children’s Ministries Network (NSCMN), at Western Samar Children’s Ministries Network (WSCMN) ay muling pumirma ng panibagong MOA upang ipagpatuloy ang dati nang nasimulang partnership.

Ang CSOs ay makikibahagi sa apat na areas of partnership o pakikipagtulungan sa pagiging Gabay, Bantay, Kaagapay, at Tulay.

Bilang Gabay, sila ay magsasagawa ng Values Formation lectures tuwing Family Development Sessions (FDS), susuporta sa DSWD sa pagbuo ng karakter, moral at espirituwal na pag-unlad ng benepisyaryo, at makikisali sa paggawa ng mga modules na kakailanganin sa nasabing FDS.

Samantala, bilang Bantay, sila’y tutulong sa pagsisigurado ng listahan ng mga benepisyaryo, pagdalo sa Community Assemblies at tutulong sa Compliance Verification System.

At magsisilbing Tulay na siyang magpapadali sa pagbibigay aksyon, feedback at pagsubaybay sa implementasyon ng Pantawid Pamilya, at tutulong sa Beneficiary Updating System (BUS), Grievance Redress System (GRS), at pagdokumento sa mga istorya ng positibong pagbabago at tagumpay ng mga benepisyaryo ng programa.

Iba pang partner CSOs na naroon sa Consultative Meeting ay ang Philippine Red Cross, Save the Children, FreedomLife Inc., at Karapatan ng Eastern Samar Child ni Advocates Network (ESCRAN).

#DSWDMayMalasakit