Tingnan: Namahagi kamakailan ang DSWD Eastern Visayas ng P26,001,120.00 na Emergency Cash Transfer (ECT) sa 8,553 na mga benepisaryo sa Catubig. Bahagi ito ng malawakang distribusyon ng ECT sa probinsya ng Northern Samar. Sa pinakahuling tala, umabot na sa P337,342,720.00 ang kabuuang naibahagi ng ahensya sa 110,968 na mga benepisaryo mula sa nasabing probinsya. Nakapamahagi na ang DSWD ng ECT sa Catarman, Lavezares, San Jose, Gamay, Lapinig, Mapanas, Palapag, Allen, Bobon, Lope de Vega, Rosario, Catubig, Laoang, Pambujan, San Vicente, Mondragon, San Roque, Las Navas, Silvino Lobos, Capul, at San Isidro. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD DSWD FO VIII DRMD
DSWD, nagbigay tulong sa batang nilapa ng tatlong aso sa Calbiga Samar
Nagpaabot ang DSWD FO VIII ng tulong pinansyal sa pamilya ng batang biktima ng pagkakalapa ng tatlong aso noong Marso 10, 2024 sa Brgy. Timbangan Calbiga, Samar. Umabot sa P10,000.00 ang naipaabot na tulong sa pamilya na magagamit para sa early recovery ng nasabing bata. Patuloy pa ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa pamilya para sa iba pang pangangailangan sa pagpapagamot ng batang biktima. Layunin ng ahensya ang pangalagaan ang karapatan ng mga kabataan, matugunan ang kanilang pangangailangan at makapagbigay ng maagap at mapagkalingang serbisyo sa mga bulnerableng sektor. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD Field Office VIII Patuloy sa Pagbahagi ng Pinakabagong Talaan ng Pamilyang Nangangailangan: Ang Listahanan 3 Database
Patuloy pa rin sa pagbahagi ng pinakabagong talaan ng pamilyang nangangailangan o Listahanan 3 database ang DSWD Field Office VIII. Nagkaroon ng paglagda ng Data Sharing Agreement at pagbahagi ng nasabing database sa lokal na pamahalaan ng Matag-ob, Leyte at Villaba, Leyte noong ika-13 ng Marso, 2024. Pormal na ibinahagi ni Regional Information Technology Officer (RITO) Romart So at Statistician II Aileen Joy Silvestre ang electronic copy ng Listahanan 3 database sa Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) ng Matag-ob, Leyte na si Enrique Odtuhan at Social Welfare Officer II (SWO II)/Data Protection Officer (DPO) Mechona Laurente. Tinanggap naman ni MSWDO Ma. Flor Pastor ang Listahanan 3 database para sa lokal na pamahalaan ng Villaba, Leyte. Ibinahagi rin ang pinakabagong talaan ng pamilyang nangangailangan sa probinsya ng Northern Samar noong Enero 2024. Malugod na tinanggap nina Provincial Social Welfare and Development Officer (PSWDO) Jenny Darish at Administrative Officer IV (AO IV)/designated Information Technology Officer (ITO) Marites Viloria ang Listahanan 3 database para sa probinsya ng Northern Samar. Ang mga datos na nilalaman ng Listahanan 3 database ay maaring gamitin ng lokal na pamahalaan ng Matag-ob, Leyte, Villaba, Leyte at probinsya ng Northern Samar upang magsilbing basehan sa pagpili nila ng mga karapat-dapat na maging benepisyaryo ng mga programa at serbisyong panlipunan na naglalayong maiangat ang pamumuhay ng mga mahihirap. Para sa mga lokal na pamahalaan, publiko at pribadong mga ahensya sa Rehiyon Otso na nagpapatupad ng mga serbisyong panlipunan at nagnanais magkaroon ng access sa pinakabagong talaan ng pamilyang nangangailangan, makipag ugnayan lamang sa National Household Targeting Section ng DSWD Field Office VIII sa pamamagitan ng email na ito: nhts.fo8@dswd.gov.ph o di kaya ay bumisita sa opisina ng National Household Targeting Section ng DSWD Field Office VIII na matatagpuan sa Government Center, Candahug, Palo, Leyte. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD #BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran #DSWDListahanan3
DSWD Field Office VIII, PSA Conducts PhilSys registration of 4Ps Beneficiaries
LOOK: The DSWD Field Office VIII, in partnership with the Philippine Statistics Authority (PSA), conducted a PhilSys registration and biometric authentication of Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries in the region. The registration of 4Ps beneficiaries to the Philippine Identification System (PhilSys) will help them have easier accessibility to social welfare programs and services of the government. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD FO VIII KALAHI-CIDSS Nagsagawa ng Payout ng Cash-for-Work for College Graduates Program
Tingnan: Payout para sa Cash-for-Work for College Graduates Program beneficiaries, isinagawa ng DSWD FO VIII KALAHI-CIDSS Umabot sa 429 na college graduates sa Eastern Visayas State University ang naging benepisyaryo ng isinagawang Cash-for-Work for College Graduates Program payout kahapon, March 12, 2024 sa Eastern Visayas State University – Tacloban Campus. Matatandaan na ang payout na ito ay patungkol sa nalikom na sahod ng mga benepisyaryo para sa buwan ng Enero. #MagKalahiTayoPilipinas#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD Field Office VIII Namahagi ng ECT sa Mondragon
TUNGHAYAN: Tinungo ng mga Angels in Red Vest ang ilang benepisyaryong hindi nakayanang kunin ng personal ang kanilang cash assistance dahil sa kanilang kalagayan. Kabilang sila sa 9,734 Emergency Cash Transfer (ECT) beneficiaries ng Mondragon, Northern Samar na naging apektado ng shear line. Isinagawa ang program implementation noong Marso 4 -9, 2024, kung saan nakapag-abot ng mahigit 24 million ang ahensya sa mga benepisyaryo. Patunay lamang na ang mga Angels in Red Vest ay walang kapaguran sa paglilingkod sa kanilang kapwa. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD Field Office VIII Nag-Augment ng FFPs sa Davao
TINGNAN: Nagpadala kamakailan lang ang DSWD Field Office VIII ng 5,100 family food packs (FFPs) bilang augmentation sa DSWD Field Office XI, upang matugunan ang pangangailangab ng mga apektado ng Shear Line at Low Pressure Area (LPA) sa Davao region. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD