DSWD accepts rice donation from Republic of Korea for Shear Line Victims in Northern Samar

The Department of Social Welfare and Development’s Field Office VIII accepted 7,850 sacks of rice from the Republic of Korea Ministry of Agriculture, Food, and Rural Affairs during the Turnover Ceremony on February 26, 2024 in Catarman Northern, Samar. The donation aims to aid families affected by the shear line in the province. As part of ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve (APTERR) Tier 3 Program, which aims to enhance food security and alleviate poverty in East Asia, 2,000 families in Palapag, 2,000 in Catubig, 2,000 in Lope De Vega, and 1,850 in Las Navas benefited from the program. Present during the turnover ceremony were APTERR Secretariat General Manager Dr. Choomjet Karnjanakesorn, National Food Authority (NFA) Administrator Hon. Roderico Bioco, Provincial Governor of Northern Samar, Hon. Edwin Ongchuan and the Division Chief of DSWD’s Disaster Response Management Division (DRMD) Lucia G. Balantad. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

DSWD FO-8, Partners Conduct Pilot Implementation of Digital Financial Literacy in Guiuan Eastern Samar

TODAY- The Department of Social Welfare and Development (DSWD), through the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) conducted its pilot implementation of the Digital Financial Literacy Program at the Municipal Building, Guiuan, Eastern Samar. This groundbreaking initiative has an aim of enhancing financial inclusivity and sustainability among program beneficiaries, which aligned with the Republic Act 11310 or the “Act Institutionalizing the 4Ps” emphasizing the importance of providing beneficiaries with capability-building activities to improve their well-being sustainably. The pilot activity includes orientation on financial literacy and discussions on digital financial services wherein partner- representatives from Landbank of the Philippines (LBP); Bank of the Philippine Islands (BPI) Foundation; Ayala Foundation; GCash; and Maya introduced their respective services to the 4Ps beneficiaries. The discussion was followed by the registration with the preferred digital financial service provider selected by the attending Pantawid household beneficiaries. Further, 50 Pantawid households from the different mainland and island barangays of Guiuan attended the orientation. This initiative is expected to benefit the 288,746 Pantawid households in the Eastern Visayas Region. Eastern Visayas is among the six regions in the country to pilot the Digital Financial Literacy Program following Secretary Rex Gatchalian’s directive to mark a significant stride towards mainstreaming the poor in the country’s financial system. The event was graced by Undersecretary for NHTS and 4Ps Vilma Cabrera; Assistant Secretary for e-Governance and Information and Technology (IT) Concerns and Chief Information Officer Julius Exequel Gorospe; 4Ps National Program Manager Gemma Gabuya; Director of Financial Management Service Wayne Belizar; Director of the Information and Communications Technology Management Service Christian Regunay ; Regional Director Grace Subong; Assistant Regional Director for Operations Antonio Dolaota; Division Chief Paula Unay; MSWDO Zenaida Cunanan; and Municipal Administrator Kinna Mae Kwan. At the activity, Usec. Cabrera thanked the Local Government Unit of Guiuan for hosting the activity and the partner-representatives for their full support towards this effort. She also recognized the interest of the beneficiaries in taking part of this transformative journey that will benefit them. She added that the Pantawid Pamilyang Pilipino Program, as a poverty-alleviation program, is continuously working to strengthen its systems and mechanisms to increase the knowledge of the 4Ps beneficiaries towards financial inclusivity. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

DSWD KALAHI-CIDSS SOUTHERN LEYTE CLUSTER MEETING CUM LEADERSHIP AND COMPETENCY ASSESSMENT AND STAFF DEVELOPMENT SA SOUTHERN LEYTE

Para sa mas pinagtibay na pagbibigay ng maagap at mapagkalingang serbisyo sa mga benepisyaryo nito, nagkaroon ng Leadership and Competency Assessment and Staff Development ang KALAHI-CIDSS Southern Leyte Cluster kasama ang mga Area Coordinating Teams nito sa probinsya. Ito ay isinagawa sa pangunguna ng Monitoring and Technical Assistance (MATA) Team ng Southern Leyte na binubuo ng Administrative, Capacity Building, Engineering, Finance, Monitoring and Evaluation (M&E), Social Development, at Procurement sectors ng Regional Program Management Office (RPMO). Bukod sa pagpapalawak ng mga kalinangan at kakayahan ng ACTs, binigyang diin rin sa aktibidad na ito ang mga updates mula sa iba’t ibang mga sector ng programa, Key Performace Indicators (KPIs), at mga inisyatibo na makatutulong sa implementasyon ng KALAHI-CIDSS. Ang Area Coordinating Teams ng programa ay binubuo ng mga Area Coordinators, Technical Facilitators, Municipal Financial Analysts, at Community Empowerment Facilitators. #MagKalahiTayoPilipinas #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

DSWD Field Office VIII Nagpaabot ng tulong sa mga Nasunugan sa Calbayog City

Nagpaabot kamakailan ang DSWD Field Office VIII ng food and non-food items sa 80 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Himalandrog (Seven Hills) Calbayog City, Samar. Aabot sa 200 family food packs (FFPs), 280 non-food items (sleeping kits, kitchen kits, family kits, hygiene kits) at 70 boteng distilled water ang naipaabot ng ahensya. Bukod dito, nabigyan din ng cash assistance na nagkakahalagang P10,000.00 sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ang 70 pamilya. Sa kabuuan, nakapamahagi ang ahensya ng P1,263,160.00 na relief aid. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

48 Pamilyang Apektado ng Sunog sa Ormoc, City binigyang tulong ng DSWD FO VIII

Aabot sa 48 pamilyang naapektuhan ng sunog kamakailan sa Cogon, Ormoc City ang agad na nakatanggap ng tulong mula sa DSWD Field Office VIII. Naipamahagi ng ahensya ang tig-tatatlong family food packs at tig-iisang bottled water, kasama na ang iba’t ibang non-food items tulad ng hygiene kits, kitchen kits, family kits, at sleeping kits. Sa kabuuan, 144 FFPs, 192 NFIs, at 48 boteng tubig ang naipaabot ng ahensya sa mga pamilyang pansamantalang nananatili sa Cogon Covered Court, na nagsilbing evacuation center. Patuloy naman ang koordinasyon ng DSWD sa lokal na pamahalaan ng Ormoc City para sa iba pang mga hakbang at posibleng tulong o assistance. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

P153M ipinamahagi ng DSWD Eastern Visayas sa Ongoing Distribution ng ECT

Patuloy ang DSWD Eastern Visayas sa pamamahagi ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa Probinsya ng Northern Samar. Sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang DSWD ng P153,963,840.00 sa 50,646 na pamilya mula sa 10 na mga munisipiyo sa Northern Samar. Kabilang dito ang Lavezares, San Jose, Palapag, Allen, Bobon, Gamay, Lapinig, Mapanas, Rosario at Lope de Vega. Nagpapatuloy naman ang DSWD sa pamamahagi nitong ayuda sa iba pang mga munisipyo sa nasabing probinsya. Ang Emergency Cash Transfer (ECT) ay tulong pinansyal para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha na dulot ng shearline noong Nobyembre. Alinsunod sa direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, magpapatuloy ang distribusyon ng nasabing ayuda upang masigurado ang early recovery at rehabilitation ng mga apektadong pamilya. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

VENSOR DOMASIG , GRAND FINALIST NG TAWAG NG TANGHALAN, ISANG PROUD FORMER PANTAWID CHILD BENEFICIARY MULA NORTHERN SAMAR

Tubong Mondragon, Northern Samar, bata palang si Vensor Domasig ay pangarap na niya ang maging isang tanyag na mang-aawit. Mula ng sumali at naging grand finalist sa isang sikat na patimpalak sa telebisyon , ang Tawag ng Tanghalan na isang segment ng programang It’s Showtime, ay kabila’t kanan na ang imbitasyon sa kanya para sa guestings. Maging concerts ay kaniyang pinagtuunan na rin ng oras. Sa kanyang edad na 23, hindi mapagkakaila na siya ay may matagumpay na singing career. Ngunit nananatiling mapagkumbaba si Vensor. Nagpapasalamat siya sa kanyang tinatamasang tagumpay ngayon ngunit iniisip din niya na ang lahat ng kanyang natatamasang kasikatan ay posibleng mawala bukas.Kung kaya’t nais niyang tapusin ang kanyang pag-aaral dahil para sa kanya, ang kanyang matutunanan mula rito ay dadalhin siya ng mas malayo at mas mataas. Banggit ni Vensor, “Ang talagang pinakagusto kong makamit ay ang makatapos na pag-aaral. Itong [singing] career ko ngayon ay may malaking chance na mawala. Pero yung tagumpay na makukuha ko sa pagtatapos ng pag-aaral ay lifetime achievement.”Kahit na siya ay abala sa kanyang karera ay pinagsasabay ni Vensor ang kanyang pag-aaral. Si Vensor ay kasalukuyang nasa- ikaapat na taon na sa kolehiyo at kinukuha ang kursong Engineering. Sa kanyang mithiing makatapos ng pag-aaral, binalik tanaw ni Vensor ang tulong ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa kanyang pag-aaral lalo na sa pambayad sa mga kailangan niya sa paaralan noong siya ay isang monitored child beneficiary ng programa. Batid ni Vensor na mahirap noon ang kanilang buhay. Ang kanyang mga magulang ay sa pagsasaka sila binubuhay. Marangal na kabuhayan ngunit hindi sapat sa pangangailangan ng malaki nilang pamilya. Bunso sa pitong magkakapatid si Vensor. Panaghoy ni Vensor at ng kanyang pamilya ang mairaos ang kahirapan sa araw-araw. At naging malaking tulong ang cash grants sa pag-alalay sa kanilang pangangailangan. “Malaking tulong sa amin ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Walang wala talaga kami noon. Minsan walang income [mula sa pagsasaka] ng aking mga magulang . Ang Pantawid ang naging alalay namin na matustusan ang aming pangangailangan. Nakakabili kami ng bigas. Nakakabayad sa paaralan. Nagabayan talaga ako kung paano ako makapagtapos ng pag-aaral. Maraming maraming salamat talaga sa pagkakataon na makasali kami sa programa. Isa sa kanilang kapatid ay nakapagtapos na ng pag-aaral. Samantala, dalawa nalang silang nag-aaral na magkapatid. Batid ni Vensor na malayo pa ang tatahaking daan para sa tuloy tuloy na pag-ahon mula sa kahirapan. Malayo pa pero malayo na. Sa ngayon, ang pamilya ni Vensor ay wala na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Ngunit, proud si Vensor na siya at ang kanyang pamilya ay natulungan ng programa. Proud na proud din kami sayo, Vensor Domasig! #BawatBuhayMahalagaSaDSWD