Patuloy ang DSWD Eastern Visayas sa pamamahagi ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa Probinsya ng Northern Samar. Sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang DSWD ng P153,963,840.00 sa 50,646 na pamilya mula sa 10 na mga munisipiyo sa Northern Samar. Kabilang dito ang Lavezares, San Jose, Palapag, Allen, Bobon, Gamay, Lapinig, Mapanas, Rosario at Lope de Vega. Nagpapatuloy naman ang DSWD sa pamamahagi nitong ayuda sa iba pang mga munisipyo sa nasabing probinsya. Ang Emergency Cash Transfer (ECT) ay tulong pinansyal para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha na dulot ng shearline noong Nobyembre. Alinsunod sa direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, magpapatuloy ang distribusyon ng nasabing ayuda upang masigurado ang early recovery at rehabilitation ng mga apektadong pamilya. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
VENSOR DOMASIG , GRAND FINALIST NG TAWAG NG TANGHALAN, ISANG PROUD FORMER PANTAWID CHILD BENEFICIARY MULA NORTHERN SAMAR
Tubong Mondragon, Northern Samar, bata palang si Vensor Domasig ay pangarap na niya ang maging isang tanyag na mang-aawit. Mula ng sumali at naging grand finalist sa isang sikat na patimpalak sa telebisyon , ang Tawag ng Tanghalan na isang segment ng programang It’s Showtime, ay kabila’t kanan na ang imbitasyon sa kanya para sa guestings. Maging concerts ay kaniyang pinagtuunan na rin ng oras. Sa kanyang edad na 23, hindi mapagkakaila na siya ay may matagumpay na singing career. Ngunit nananatiling mapagkumbaba si Vensor. Nagpapasalamat siya sa kanyang tinatamasang tagumpay ngayon ngunit iniisip din niya na ang lahat ng kanyang natatamasang kasikatan ay posibleng mawala bukas.Kung kaya’t nais niyang tapusin ang kanyang pag-aaral dahil para sa kanya, ang kanyang matutunanan mula rito ay dadalhin siya ng mas malayo at mas mataas. Banggit ni Vensor, “Ang talagang pinakagusto kong makamit ay ang makatapos na pag-aaral. Itong [singing] career ko ngayon ay may malaking chance na mawala. Pero yung tagumpay na makukuha ko sa pagtatapos ng pag-aaral ay lifetime achievement.”Kahit na siya ay abala sa kanyang karera ay pinagsasabay ni Vensor ang kanyang pag-aaral. Si Vensor ay kasalukuyang nasa- ikaapat na taon na sa kolehiyo at kinukuha ang kursong Engineering. Sa kanyang mithiing makatapos ng pag-aaral, binalik tanaw ni Vensor ang tulong ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa kanyang pag-aaral lalo na sa pambayad sa mga kailangan niya sa paaralan noong siya ay isang monitored child beneficiary ng programa. Batid ni Vensor na mahirap noon ang kanilang buhay. Ang kanyang mga magulang ay sa pagsasaka sila binubuhay. Marangal na kabuhayan ngunit hindi sapat sa pangangailangan ng malaki nilang pamilya. Bunso sa pitong magkakapatid si Vensor. Panaghoy ni Vensor at ng kanyang pamilya ang mairaos ang kahirapan sa araw-araw. At naging malaking tulong ang cash grants sa pag-alalay sa kanilang pangangailangan. “Malaking tulong sa amin ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Walang wala talaga kami noon. Minsan walang income [mula sa pagsasaka] ng aking mga magulang . Ang Pantawid ang naging alalay namin na matustusan ang aming pangangailangan. Nakakabili kami ng bigas. Nakakabayad sa paaralan. Nagabayan talaga ako kung paano ako makapagtapos ng pag-aaral. Maraming maraming salamat talaga sa pagkakataon na makasali kami sa programa. Isa sa kanilang kapatid ay nakapagtapos na ng pag-aaral. Samantala, dalawa nalang silang nag-aaral na magkapatid. Batid ni Vensor na malayo pa ang tatahaking daan para sa tuloy tuloy na pag-ahon mula sa kahirapan. Malayo pa pero malayo na. Sa ngayon, ang pamilya ni Vensor ay wala na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Ngunit, proud si Vensor na siya at ang kanyang pamilya ay natulungan ng programa. Proud na proud din kami sayo, Vensor Domasig! #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD KALAHI-CIDSS PROJECT DEVELOPMENT WORKSHOP SA BARUGO, LEYTE
Bilang bahagi ng prinsipyo ng Community-Driven Development o CDD na ipinatutupad ng KALAHI-CIDSS sa mga komunidad, nagsagawa ng Project Development Workshop para sa Phase 2 Implementation ng KALAHI-CIDSS NCDDP- Additional Financing sa Barugo, Leyte sa pangunguna ng Municipal at Area Coordinating Teams nito noong February 16-17, 2024. Ito ay dinaluhan ng mga miyembro ng Project Preparation Teams at mga Barangay-Development Council- Technical Working Group Chairpersons (BDC-TWG) bilang paunang preparasyon sa pagpapatupad ng kanilang mga proyekto sa kani-kanilang mga barangay. Layunin nitong mabigyang-kapasidad ang mga community volunteers sa mga aspeto ng pagpaplano at pagsasakatuparan ng mga sub-projects na tutugon sa mga suliraning kanilang natukoy sa kani-kanilang mga pamayanan. Ito ay isang elemento ng CDD na nagbibigay-boses sa mga mamamayan na makiisa sa mga usaping pag-unlad ng kanilang lugar. Inaasahan ang patuloy na pagsasagawa ng iba pang mga aktibidad sa nasabing munisipyo bilang suporta sa implementasyon ng programa. #MagKalahiTayoPilipinas #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD Partners, Stakeholders to Boost Livelihood Associations in Ormoc City
The Department of Social Welfare and Development (DSWD) Eastern Visayas has conducted an orientation session of various programs and services for Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs) in Ormoc City recently. Atty. Jasper Lucero, Chairperson of the City Livelihood Committee reaffirmed the city government’s support for the livelihood associations. “We want our associations to thrive. As your livelihoods flourish, so too will employment opportunities. Through this, our city will surely prosper,” Lucero added. The orientation served as a platform for knowledge exchange and capacity-building for the successful implementation of Sustainable Livelihood Program in Ormoc City. Among the attendees were representatives from the Department of Trade and Industry, Technical Education, Skills and Development Authority, Cooperative Development Authority, Bureau of Internal Revenue, Palawan Pawnshop, Ormoc City Chamber of Commerce and Industry, and the Ormoc City Local Government Unit. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD #SustainableLivelihoodProgram #SulongKabuhayanTungoSaPagyabong
DSWD Field Office VIII Namahagi ng FFPs sa Hilongos
TINGNAN: Namahagi kamakailan lang ang DSWD Field Office VIII ng 102 family food packs (FFPs) sa 51 pamilya na pansamantalang nawalan ng kabuhayan dahil sa pag-usbong ng African Swine Fever (ASF) Outbreak sa Brgy. Imelda Marcos, Hilongos, Leyte. Para sa relief augmentation sa inyong lugar, patuloy na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD Spearheads Sustainable Livelihood Orientation in Abuyog, Leyte
The Department of Social Welfare and Development (DSWD) Eastern Visayas has conducted the Sustainable Livelihood Program Municipal Orientation and Coordination Meeting in Abuyog, Leyte on February 16, 2024. The Local Government Unit of Abuyog, Leyte has been chosen as one of the DSWD-SLP Zero Hunger recipients for fiscal year 2024 with a total fund allocation of Php 4,080,000.00 for 272 beneficiaries with Program Convergence Budgeting Projects, Mangirisda sa Otso, and Paglambo ha Agrikultura. In his speech, Abuyog, Leyte Municipal Mayor Lemuel Gin Traya encouraged all the partners to collaborate and build a strong partnership to help the Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs) sustain their livelihood projects which will ultimately provide them with a sustainable income source. Partners and stakeholders from the government and private sectors have presented their programs and services for the SLPAs. They recited and signed their Pledge of Commitment and Manifestation of Support committing their organization as partner in the implementation of the Sustainable Livelihood Program. Present during the activity were representatives from the Department of Trade and Industry, National Irrigation Administration, Cooperative Development Authority, Philippine Crop Insurance Corporation, Department of Agriculture, Agricultural Training Institute, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Municipal Agriculture Office, and the Municipal Environment and Natural Resources Office. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD #SustainableLivelihoodProgram
DSWD KALAHI-CIDSS SUB-PROJECT TURN-OVER SA BRGY. SAN JOSE, SAN ISIDRO, LEYTE
Patuloy ang pagpapalaganap ng Community-Driven Development sa bawat komunidad ng Rehiyon Otso sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga sub-projects na ipinatutupad ng mga mismong community volunteers kasangga ang lokal na pamahalaan ng barangay at munisipyo. Kaugnay nito, nagkaroon ng Turn-over Ceremony para sa Concreting of Pathway with Riprap na Community Sub-Project ng Sitio Calapayan, Brgy. San Jose, San Isidro, Leyte. Ito ay dinaluhan ng mga opisyal ng Barangay at Municipal LGUs, community volunteers, at ang mga Municipal/Area Coordinating Team ng San Isidro. Tinatayang aabot sa Php 1,177,472 ang halaga ng nasabing 90-meter na subproject na siyang makatutulong sa pang-araw-araw na pamumuhay at pangkabuhayan ng nasabing lugar. Ito rin ay magsisilbing proteksyon ng komunidad sa panahon ng pagbaha o paagguho ng lupa dulot ng matinding pag-ulan o pagbaha. Dahil sa sama-samang pagsusumikap ng bawat miyembro ng komunidad, sama-sama rin nilang makakamit ang pagbabago sa kanilang komunidad. #MagKalahiTayoPilipinas #BawatBuhayMahalagaSaDSWD