Produksiyon ng Family Food Packs Pinangunahan ng DSWD FO VIII Regional Director

Pinangunahan ni Regional Director Grace Subong ang produksiyon at repacking ng Family Food Packs ngayong araw, Setyembre 7, sa Regional Resource Operations Center ng DSWD.

Kaugnay nito, nasa 36,851 family food packs at 468 non-food items na ang kabuoang naipamahagi ng ahensiya sa iba’t ibang munisipalidad ng Northern Samar, Eastern Samar, Samar, at Biliran, ang apat na probinsiyang naiulat na malubhang naapektuhan ng Tropical Storm “Enteng”.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

Click here to read more...

DSWD FO VIII Namahagi ng FFPs sa Santa Margarita, Samar

TIGNAN: Sa kasalukuyan,nasa 1,229 Family Food Packs ang naipamahagi sa mga pamilyang apektado ng Tropical Storm “Enteng” sa munisipalidad ng Santa Margarita, Samar.

Patuloy pa rin sa koordinasyon at monitoring ang ahensiya upang matiyak na agarang maihahatid ang tulong sa mga naapektuhan ng nasabing Tropical Storm.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

photo credits: DSWD MAT Santa Margarita

Click here to read more...

Produksyon at repacking ng Family Food Packs, Nagpapatuloy

Ngayong Sabado, Setyembre 7, 2024, patuloy pa rin ang isinasagawang produksyon at repacking ng Family Food Packs bilang augmentation ng DSWD sa kakailanganing tulong ng Local Government Units (LGUs) sa pagtugon sa epekto ng Tropical Storm “Enteng” at ng Southwest Moonsoon sa rehiyon.

Sa kasalukuyan, nasa 34,602 family food packs at 468 Non-food items ang nai-release o naiabot ng ahensiya sa mga apektong pamilya.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

photo credits: DSWD staff Ma. … Click here to read more...

DSWD Field Office VIII patuloy ang pamamahagi ng FFPs sa Oras, Eastern Samar

DSWD Field Office VIII, patuloy ang pamamahagi ng family food packs (FFPs) para sa mahigit 5,000 pamilyang apektado ng Tropical Storm “Enteng” sa Oras, Eastern Samar. Sa pinakahuling ulat, umabot na sa 2,140 FFPs ang naipamigay. Patuloy rin ang koordinasyon ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan para sa mga relief augmentation na kinakailangan.

Para sa relief operations sa inyong lugar, makipag-ugnayan po tayo sa ating lokal na pamahalaan.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWDClick here to read more...