Frequently asked questions/trivia: Questions Answers Ano po ba ang Thunderstorm? Ito ay local scale weather system, ibig sabihin masamang panahon sa maliit na lugar at panandalian lang, na maaring magdala ng mabigat na buhos ng ulan, malakas na hangin at may kasama pang pagkulog at pagkidlat. Ang isang thunderstorm ay maaring magtagal sa loob ng 2 oras. Ano po ba ang Tornado? Ang tornado ay ang malakas na pag-ikot ng hangin na galling sa isang severe thunderstorm na maaring magdala ng hangin na hihigit sa 400 km/hr. Ito ay kadalasan nabubuo sa isang patag na lugar na maaring umabot ng 2 milya at nagtatagal ng hanggang 30 minuto. Ang pinsala dulot ng tornado ay doon lamang sa mga lugar na dadaan nito. Ano po ba ang hail? Ang hail ay yelo na bumabagsak galling sa isang severe thunderstorm. Nabubuo ang hail kapag masyadong mainit ang isang lugar na magdudulot ng pagtaas ng mga water vapor na maaring lumagpas sa tinatwag na freezing level kung saan ang mga water vapor ay pwedeng magfreeze at maging isang yelo. Kapag marami nang yelo na sa itaas ng isang thunderstorm clouds ito ay bumabagsak sa lupa bilang isang hail. Ang hail ay bumabagsak sa bilis na mahigit 100 kph. Ano po ba ang ITCZ? Ang ITCZ o Intertropical Convergence Zone ay ang lugar kung saan ang hangin ng Northern Hemisphere at Southern Hemisphere ay nagtatagpo na nagdudulot ng mga sama ng panahon tulad ng mga LPA at Bagyo. Ano po ba ang bagyo? Ang Bagyo ay isang malawakang weather system na mula 150 km ang radius o at least 300 km ang lawak nito nagdadala ng mga malakas na hangin at mabigat na buhos ng ulan. Ito namamataan dahil pag-ikot ng mga ulap o meron nang circulation. Ano po ba ang PAR? Ang PAR o Philippine Area of Responsibility ay ang lugar na itinakda ng World Meteorological Organization (WMO) sa PAGASA upang bantayan at magbigay ng impormasyon tungkol sa pamumuo ng sama ng panahon tulad ng Bagyo sa local na lugar at sa internasyunal. Anu-ano ang classification o kategorya ng bagyo? Ang isang bagyo o TROPICAL CYCLONE ay inuuri ayon sa lakas at maximum sustained winds malapit sa mata nito. May limang (5) classification ang mga bagyo sa Pilipinas, ang una at pinakamahinang bagyo ay TROPICAL DEPRESSION na may lakas ng hangin na umaabot hanggang 61kph malapit sa gitna, samantala ang TROPICAL STORM ay bagyong may hanging 62 kph hanggang 88 kph. Ang ikatlo ay SEVERE TROPICAL STORM, ito ay may lakas ng hangin sa pagitan ng 89 kph hanggang 117. TYPHOON naman ang tawag sa bagyo na umaabot ang dalang hangin sa pagitan ng 118 kph hanggang 220. Ang pinkamataas na classification ngayon sa Pilipinas ay tinatawag na Super Typhoon. Ang SUPER TYPHOON ay mga bagyong may dalang hangin na di bababa sa 220 kph. Paano nagbibigay ng pangalan ang Bagyo? Ang pangalan ng mga Bagyo ay nakadepende sa taon kung kalian ito nabuo. Maari bang matanggal sa listahan ang pangalan ng isang Bagyo? Maari matanggal ang pangalan ng bagyo sa listahan kung ang damage ng bagyo ay aabot ng 1 Bilyong Piso o kung ang dami ng namatay ay aabot ng 300 o pataas. Ilang bagyo ba ang inaasahan sa Pilipinas taun-taon? Merong inaasahang 20 tropical cyclone ang pumapasok o namumuo sa Philippine Area of Responsibility taun taon on the average at 8 or 9 dito ay naglalandfall. Anu po ang ibig sabihin ng landfall ng bagyo? Ang landfall ng bagyo ay nangangahulugan na ang sentro o mata ng bagyo ay tumama sa anumang kalupaan ng bansa. Hindi ito kaparehas ng pagpasok ng bagyo sa PAR dahil sa kalayuan ng boundary ng ating ating PAR sa kalupaan ng bansa upang bigyan ng panahon upang makapaghanda ang mga tao. Anu-ano po ba ang Tropical Cyclone Warning System? Ang TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL (TCWS) ay babala na inilalabas ng PAGASA upang ipaalam sa publiko ang mga maaring epekto ng dalang hangin ng isang Bagyo. Merong limang (5) TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL na inilalabas ang PAGASA; una na dito ang TCWS # 1, kung ang hanging dala ng bagyo ay mula 30kph hanggang 60 kph na inaasahan sa loob ng 36 oras, samantala ang TCWS # 2 kung ang dalang hangin ng bagyo ay mula 61 kph hanggang 120 kph na inaasahan sa loob ng 24 oras. TCWS # 3 naman kung and dala na hangin ng bagyo ay mula 121 kph hanggang 170 kph na inaasahan naman sa loob ng 18 oras at TCWS # 4 naman kung ang inaasahang hangin ng bagyo sa susunod na 12 oras ay nasa pagitan ng 170 kph hanggang 220 kph. Ang pinakamataas na warning ay TCWS # 5 kung saan ang dalang hangin ng bagyo ay higit sa 220 kph na inaasahan sa loob ng 12 oras. SOURCE: DOST PAGASA
DSWD Eastern Visayas Namahagi ng P25M ECT sa Palapag
Namahagi kamakailan ang DSWD Field Office VIII ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa Palapag, Northern Samar. Sa isinagawang distribusyon, nakapamahagi ang DSWD ng P25,438,720 na ECT sa 8,368 na mga benepisaryo sa nasabing munisipiyo. Bahagi ang distribusyon na ito sa patuloy na isinasagawang distribusyon ng ECT sa mga munispiyo na naapektuhan ng baha na dulot ng shearline noong Nobyembre. Ayon sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang DSWD ng P66,630,720 sa 21,918 na mga benepisaryo mula sa Palapag, Lavezares, at San Jose. Inaasahan namang madaragdagan pa ang bilang na ito habang nagpapatuloy ang mga isinasagawang payout sa iba pang mga munisipiyo. Maaaring makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para sa schedule ng ECT distribution sa inyong lugar. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD KALAHI-CIDSS FO VIII Nag-payout sa Cash-for-Work for College Graduates Program
KALAHI-CIDSS sa Rehiyon Otso nagsagawa ng payout sa 425 na mga benepesiyaryo sa ilalim ng Cash-for-Work for College Graduates Program Nagsagawa ng payout ang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o KALAHI-CIDSS sa 425 beneficiaries nito sa ilalim ng Cash-for-Work for College Graduates Program. Ito ay isinagawa sa Eastern Visayas State University – Tacloban Campus. Ang payout na ito ay may patungkol sa naakumulang sahod ng mga benepesiyaryo alinsunod sa mga araw na kanilang pinagtrabahuan nuong Disyembre, 2023. Matatandaang mga college graduates sa taong 2022-2023 ng nasabing unibersidad ang napiling magiging benepesiyaryo ng programang ito. “We are thankful for this program kasi parang eye opener ito para sa amin kung ano talaga ang realidad kung makapagtrabaho na kami.” Wika ni Ma. Luzvylle A. Lumber, isang graduate ng Bachelor of Science in Nutrition and Dietetics, at inatasan sa DSWD Field Office VIII RPMO. Nagsagawa rin ng assembly ang ating mga Angels in Red Vests kung saan tinalakay ang mga samu’t-saring impormasyon na dapat malaman ng mga benepesiyaryo. Nakapaloob naman sa 90 na araw ang employment timeframe ng mga benepesiyaryo ng Cash-for-Work Program kung saan minimum wage ang kanilang kinikita sa iba’t-ibang tanggapan ng DSWD sa Rehiyon Otso at mga opisina na malapit sa kanilang tinitirahan. #MagKalahiTayoPilipinas #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD nakapamahagi ng P46M Emergency Cash Transfer
Nagpapatuloy ang DSWD Eastern Visayas sa pamamahagi ng Emergency Cash Transfer sa Northern Samar. Sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang ahensya ng Php 46,463,360.00 sa 15,284 pamilya sa bayan ng Lavezares, San Jose at Palapag. Ang Emergency Cash Transfer (ECT) ay isang adaptive na pamamaraan ng DSWD sa pagtutugma ng agwat sa pagitan ng agarang disaster relief, humanitarian response, at early recovery support sa mga sakuna at emerhensiya sa pamamagitan ng pagbibigay tulong pinansyal sa mga pamilyang naapektuhan ng sakuna o kalamidad kabilang ang mga bahay na bahagyang at ganap na nasira. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para sa schedule ng ECT distribution sa inyong lugar. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD Inilunsad ang One Masaba Unified Farmers Association Dairy Production Project
IN PHOTOS: Inilunsad ng Department of Social Welfare and Development Eastern Visayas (DSWD Eastern Visayas) ang One Masaba Unified Farmers Association Dairy Production Project (One Masaba SLPA) kahapon sa Brgy. Masaba, Matag-ob, Leyte. Dinaluhan ang nasabing pagtitipon nila Sangguniang Bayan Members Hon. Artemio Almoroto, Hon. Ricardo Giva at Hon. Joel Denoy. Samantala, dumalo rin sina MSWD Officer Enrique Odtuhan, LGU Livelihood Focal Relyn Tabayag, kasama sina Ma. Sophia Ibanita at Mark Anthony Canales ng DSWD Eastern Visayas. Hangad ng One Masaba SLPA na maging kilalang producer ng dairy products sa Matag-ob at mga karatig bayan. Ang Sustainable Livelihood Program ng DSWD ay naglalayong magtaguyod ng mga oportunidad sa kabuhayan at magbigay ng technical assistance upang mahubog ang kakayahan ng mga benepisyaryo. #AngelsInRedVest #BawatBuhayMahalagaSaDSWD #SustainableLivelihoodProgram
DSWD Distributes Livelihood Grants in Southern Leyte
The Department of Social Welfare and Development (DSWD) Eastern Visayas has awarded seed capital fund to beneficiaries in Maasin City, Sogod, and Liloan, Southern Leyte on January 29, 2024. The seed capital fund is a form of financial assistance, which is intended for the procurement of raw materials, small tools, and common service facilities necessary to establish enterprise. Present at the ceremony were Jhade Bestudio, the City Social Welfare and Development Officer of Maasin City, and Ms. Larisse, a representative from Tingog Partylist. In Maasin City, DSWD Eastern Visayas has identified two Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs) as recipients of the livelihood assistance. The first SLPA, composed of seven members, received a grant of Php105,000.00, while the second SLPA, comprising nine members, was given Php180,000.00. Meawhile in Sogod, DSWD Eastern Visayas extended a seed capital fund of Php200,000.00 to an SLPA comprising of 10 members; and Php15,000.00 to an individual in Liloan, Southern Leyte. This underscores DSWD Eastern Visayas’ efforts to empower individuals and associations towards self-sufficiency and sustainable growth. #AngelsInRedVest #BawatBuhayMahalagaSaDSWD #SustainableLivelihoodProgram
DSWD Nakapamahagi ng P41M Emergency Cash Transfer
Nagpapatuloy ang DSWD Eastern Visayas sa pamamahagi ng Emergency Cash Transfer sa Northern Samar. Sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang ahensya ng P41,192,000 sa 13,550 na mga pamilya sa nasabing probinsya. Sa bilang na ito, 8,616 ang nakatanggap sa Lavezares, habang 4,934 naman ang ang nakatanggap sa San Jose. Ang Emergency Cash Transfer (ECT) ay tulong pinansyal para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha na dulot ng shearline noong Nobyembre. Alinsunod sa direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, magpapatuloy ang distribusyon ng nasabing ayuda upang masigurado ang early recovery at rehabilitation ng mga apektadong pamilya. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD