DSWD Relief Operations sa Catarman

Tingnan: Nasa 19,800 Family Food Packs na ang ipinamahagi sa Catarman, Northern Samar.Patuloy naman ang distribusyon ng DSWD Municipal Action Team Catarman, LGU, at mga partner agencies. Sa patuloy na disaster relief operations, umabot na sa 53,286 FFPs ang kabuuang ibinahagi para sa iba’t-ibang bayan ng Northern Samar.Antabayanan ang disaster response ng DSWD FO VIII sa https://www.facebook.com/dswdeasternvisayas MAT Catarman #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

DSWD Relief Operations sa Laoang

Nasa 2,978 Family Food Packs na ang ipinadala ng DSWD bilang augmentation sa Laoang, Northern Samar. Matagumpay naman ang distribusyon sa pagtutulungan ng LGU, Philippine National Police, at Municipal Action Team ng Laoang. Antabayanan ang disaster response ng DSWD FO VIII sa https://www.facebook.com/dswdeasternvisayas #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

DSWD, PLGU at LGU Namahagi ng FFPs sa Catarman

Tingnan: Nagsagawa ang DSWD at ang lokal at probinsyal na pamahalaan ng Northern Samar ng distribusyon ng Family Food Packs (FFPs) sa Catarman. Pinangunahan nina DSWD Secretary Rex Gatchalian, DSWD Undersecretary for Disaster Response Management Group Diane Rose Cajipe, DSWD Field Office VIII Regional Director Grace Subong, Governor Edwin Ongchuan, at Mayor Francisco Aurelio E. Rosales III ang distribusyon nitong mga FFPs sa Brgy. Polangi, Catarman. Sa pinakahuling tala, nakapagpadala na ang DSWD ng 10,000 na FFPs sa nasabing munisipyo. Sa kabuuan, umabot na sa 47,251 na FFPs ang ini-release ng DSWD na nagkakahalaga ng P35, 698,077.50 #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

DSWD Nagpadala ng 1,500 na FFPs sa Lapinig

Tingnan: Nagpadala ang DSWD ng 1,500 na Family Food Packs (FFPs) para sa Lapinig, Northern Samar. Bahagi ito sa patuloy na isinasagawang relief operations para sa mga pamilyang naapektuhan ng Low Pressure Area. Sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang DSWD ng 47,251 FFPs sa iba’t-ibang LGU sa buong Rehiyon. Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga LGU. Para sa disaster relief operations sa inyong lugar, patuloy po tayong makipag-ugnayan sa ating lokal na pamahalaan. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

DSWD FO VIII Namahagi ng FFPs sa Oras

Tingnan: Patuloy ang distribusyon ng Family Food Packs (FFPs) sa mga pamilyang apektado ng baha dulot ng shearline sa bayan ng Oras, Eastern Samar sa pagtutulungan ng DSWD FO VIII at LGU Oras. 3,000 FFPs ang augmentation ng DSWD sa lokal na pamahalaan ng Oras, Eastern Samar sa matinding naapektuhan ng baha dulot ng shearline. Antabayanan dito sa DSWD Eastern Visayas ang updates sa nagpapatuloy na disaster response operations ng pamahalaan. #LagingHandaPH #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

DSWD Namahagi ng FFPs sa Calbayog City

Tingnan: Distribusyon ng Family Food Packs (FFPs) sa mga pamilyang apektado ng matinding pagbaha sa Barangay Oquendo, Calbayog City, Samar, sa pagtutulungan ng DSWD FO VIII at City Government of Calbayog. #LagingHandaPH #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

PBBM, DSWD Chief Hold Situation Briefing on Shear Line and LPA-Affected Victims in Eastern Visayas

President Ferdinand Marcos Jr. together with NDRRMC Chair Gilbert Teodoro, NDRRMC Vice Chair Benhur Abalos Jr., and Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian visited Tacloban City today, November 23, 2023, for a situation briefing on the combined effects of Shear Line and Low Pressure Area, affecting 114,260 families in Eastern Visayas. During the briefing, Secretary Gatchalian ensured the ongoing provision of assistance to families and individuals affected by the disaster, aligning with President Marcos’ directive for all government agencies to speed up relief operations in the affected areas. Gatchalian said that DSWD has already prepared over 100,000 food packs for distribution to the affected families of the severely affected provinces – Eastern and Northern Samar. He added that DSWD is also finalizing the list of families and individuals whose homes were damaged. The list will determine the financial aid they get from the government to rebuild their houses. The briefing was also joined by Regional Director Grace Subong, currently in Catarman, Northern Samar, overseeing the distribution of Family Food Packs to affected families and individuals. Photo Courtesy: Zen Danga