TINGNAN: DSWD Field Office VIII Nagdiskarga ng 3,500 Family Food Packs (FFPs) bilang prepositioning sa Sulat, Eastern Samar. Bawat FFPs ay naglalaman ng 6 kilos na bigas, 4 de lata na tuna flakes, 4 na sardinas, 4 na corned beef, 5 sachet ng powdered cereal drink, at 5 sachets ng kape. Kabilang din sa idiniskarga ang 15 pcs hygiene kits, 100 pcs family kits, at 100 pcs na kitchen kits na magagamit ng bawat pamilya sa oras ng sakuna. Ang prepositioning of goods ay isa sa mga pamamaaraan ng ahensya upang paigtingin ang disaster preparedness at mabigyan ng agarang responde ang bawat LGU sa anumang uri ng kalamidad na maaring tumama sa atin. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD Namahagi ng P3.4M na Emergency Cash Transfer sa Bato, Leyte
Tingnan: Namahagi kamakailan ang DSWD Field Office VII ng P3,460,515 na Emergency Cash Transfer sa 611 na pamilya na naapektuhan ng Severe Tropical Storm (STS) “PAENG” sa Bato, Leyte. Sa bilang na ito, 210 ang may totally damaged houses habang 401 naman ang partially damaged houses. Ang Emergency Cash Transfer (ECT) financial assistance ay isang pamamaraan ng ahensya na naglalayong mabigyan ng humanitarian response o tulong ang bawat pamilya na naapektuhan ng bagyo o anomang sakuna upang makabangon at magkaroon muli ng pag-asang mamuhay ng matiwasay. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD Signs Memorandum of Understanding
LOOK: DSWD FO VIII, led by Regional Director Grace Subong, affix its commitment to local governance during the Ceremonial Signing of the Memorandum of Understanding for the Multi-Stakeholder Advisory Committee (MSAC) of DILG’s Local Governance Regional Resource Center. The MSAC of LGRC is valuable in ensuring that prime movers in local governance must collectively articulate policies in building a culture that encourage learning and sharing of information and knowledge in promoting excellence in local governance. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
Tingnan: DSWD Namahagi ng Family Food Packs (FFPs) sa Sta. Margarita, Samar.
Tingnan: Aabot sa 21 na pamilya ang nabigyan ng 2 boxes ng Family Food Packs (FFPs) na naapektuhan ng armed conflict sa Brgy. Sundara Sta. Margarita, Samar. An FFPs na ito ay magsisilbing malaking tulong sa bawat pamilyang apektado ng nasabing insidente. Sa likod ng kanilang mga pinagdadaanan, handa ang ahensya na rumesponde at umagapay upang matugunan ang kanilang pangangailangan. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
TINGNAN: Pagdiskarga ng mahigit 1,500 na Family Food Packs (FFPs) para sa prepositioning of goods ng DSWD FO VIII sa Sulat Evacuation Center, Sulat Eastern Samar.
TINGNAN: Pagdiskarga ng mahigit 1,500 na Family Food Packs (FFPs) para sa prepositioning of goods ng DSWD FO VIII sa Sulat Evacuation Center, Sulat Eastern Samar. Ang prepositioning of goods ay isa sa mga pamamaaraan ng ahensya upang paigtingin ang disaster preparedness measures nito. Ito ay ang pag-iimbak o paglalagay ng mga FFPs sa iba’t ibang munisipalidad sa rehiyon upang agarang makapagresponde sa anumang klase uri ng kalamidad na maaring tumama sa atin. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
World Food Programme inihandog ang Disaster Response Equipment sa DSWD FO VIII
Naging matagumpay ang Ceremonial Handover ng Disaster Response Equipment mula sa World Food Programme (WFP) na inihandog sa Department of Social Welfare and Development Field Office VIII (DSWD FO VIII) noong Nobyembre 8, 2023 kasabay sa paggunita ng ika-10 na annibersaryo ng Super Typhoon Yolanda. Personal na dumalo si DSWD Undersecretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Diane Rose Cajipe, DSWD Undersecretary for National Household and Targeting System (NHTS) and Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Vilma B. Cabrera, DSWD FO VIII Regional Director Grace Q. Subong, WFP Emergency Coordinator Mr. Hannes Goegele, WFP Supply Chain Officer Mr. Joao Merencio, United States Agency for International Development (USAID) Mission Director to the Philippines and Mongolia Mr. Ryan Washburn, USAID Bureau of Humanitarian Assistance Officer Ms. Rachel Gallagher at Office of the Civil Defense Deputy Administrator for Administration ASec. Bernardo Rafaelito R. Alejandro IV. Nakiisa rin ang ilan sa mga government at non-government agencies na dinaluhan nina National Telecommunications Commission Regional Director Willie Zaballa, Department of Information and Communications Technology Regional Director Felix Tabanao Jr., Office of the Civil Defense Regional Director Lord Byron Torrecarion, Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF), Philippine Information Agency (PIA), United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF), United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (UN OCHA), Food and Agriculture Organization (FAO), at ilan sa mga local media agencies and organizations. Nagbigay naman ng mensahe ang Provincial Governor ng Leyte, Hon. Carlos Jericho Petilla kung saan binigyang diin niya ang mga salitang “In every disaster, no man is an island; you always need somebody’s help.” Samantala, ibinahagi rin ni WFP Country Director a.i Mr. Dipayan Bhattacharya ang librong pinamagatang “PREP kana ba?” na naglalaman ng 30 best practices ng mga Pilipino at nagbibigay diin ng mahalagang papel sa pagpapahusay, paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad. Ilan sa mga naging highlight ng nasabing turn-over ay ang signing of the deed of donation and acceptance sa pagitan ng WFP, USAID, at DSWD FO VIII at ang ceremonial handover ng mga disaster response equipments kagaya ng rice milling machine, reach truck, automatic box sealer machine, vacuum sealing machine, automatic roller conveyor, hydraulic hand pallet trucks, high volume, low speed ceiling fan, generator set (110kva), plastic pallets, tower light with genset, aluminum boat with 40 hp engine at trailer for aluminum boat na magagamit ng ahensya sa pagbibigay ng maagap na tulong sa bawat indibiduwal at pamilya sa oras ng anumang klase ng kalamidad. Sa tulong ng mga naihandog na Disaster Response Equipment na ito, mas marami pang buhay ang maililigtas at mabibigyan ng pag-asa na mamuhay ng matiwasay. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
𝐃𝐒𝐖𝐃 𝐅𝐢𝐞𝐥𝐝 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐕𝐈𝐈𝐈 J𝐨𝐢𝐧𝐬 𝐅𝐨𝐮𝐫𝐭𝐡 𝐐𝐮𝐚𝐫𝐭𝐞𝐫 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐰𝐢𝐝𝐞 𝐒𝐢𝐦𝐮𝐥𝐭𝐚𝐧𝐞𝐨𝐮𝐬 𝐄𝐚𝐫𝐭𝐡𝐪𝐮𝐚𝐤𝐞 𝐃𝐫𝐢𝐥𝐥 𝟐𝟎𝟐𝟑
Look: DSWD Field Office VIII, led by Regional Director Grace Q. Subong, joins the Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2023, held at the Tacloban City Hall Grounds, November 9, 2023, together with national government agencies and the City Government of Tacloban. #𝐋𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠𝐇𝐚𝐧𝐝𝐚𝐏𝐇 #𝐁𝐚𝐰𝐚𝐭𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐒𝐚𝐃𝐒𝐖𝐃