“Para sa mga bata, wala tayong hindi magagawa”— ito ang naging pangunahing mensahe ni DSWD FO VIII- Regional Director Grace Q. Subong sa opisyal na pagbubukas ng taunang pagdiriwang ng National Children’s Month (NCM) 2023 na may temang: “Healthy, nourished, sheltered: Ensuring the Right to Life for All,” ngayong araw, Nob. 6, 2023 sa Robinsons North Tacloban. Bilang isa sa mga inisyatibo ng Regional Sub-Committee for the Welfare of Children – Eastern Visayas kaugnay sa simultaneous na selebrasyon ng Children’s Month sa buong bansa, pinasinayaan ang kick off activity na ito sa pakikipag-ugnayan ng iba’t ibang government at non-government agencies. Nakibahagi ang Philippine National Police- Regional Office VIII (PNP RO VIII), Technical Education and Skills Development Authority- Regional Office VIII (TESDA RO VIII), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Information Agency- Regional Office VIII (PIA RO VIII), Department of Justice- Parole and Probation Administration (DOJ-PPA), Tacloban City Social Welfare and Development Office (TCSWDO), Plan International Philippines, Save the Children Philippines, World Vision Philippines, World Hope International, at SOS Children’s Village Foundation. Ilan sa mga naging highlight ng pagdiriwang ay ang diskusyon ng kahalagahan ng NCM celebration, presentation of succeeding activities (Intra Week National Observance), orientation on MAKABATA Helpline, at ang pagpapakitang-gilas ng talento ng mga kabataang nasa ilalim ng pangangalaga ng Miserricordia Children’s Center Inc. (MCCI) at SOS Children’s Village Tacloban. Ayon sa pahayag ni RSCWC Regional Coordinator, Francis Genell Berida hinggil sa selebrasyon na ito, tayo ay patuloy na tumatahak sa mahaba pang landas tungo sa paghubog ng isang bansang maunlad para sa mga kabataan. Sa pagbubukas ng isang buwang pagdiriwang para sa kanilang mga karapatan, nawa’y ating pakatandaan ang paglalaan ng commitment upang protektahan at maisulong ang kanilang pangkalahatang-kagalingan. Ito pa lamang ang simula ng isang buwang pagdiriwang para sa ganap na pagkilala sa karapatan ng mga kabataan sa buong rehiyon otso. #BawatBuhayMahalagasaDSWD #BuwanngmgaBata +5
Ramirez family waives from the 4Ps to give way to those families who are in need
In 2009, the Ramirez family from San Jorge Samar became beneficiaries of the Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps). The cash grants helped Lorena and Loreto support their two children’s daily needs. Lorena couldn’t finish high school due to illness, while Loreto worked as a farm laborer and volunteered at schools with his degree in Education. However, Loreto’s income wasn’t sufficient for the family’s basic needs. The couple was just thankful that the cash grants from the 4Ps program greatly supplemented their income, especially for the education of their school-aged child. Lorena and Loreto understood the importance of not solely relying on cash grants. Lorena started studying through the Alternative Learning System (ALS) in 2013, inspired by the learnings she got through attending the Family Development Sessions. Despite the challenges of being a mother and a student, Lorena successfully completed her studies and graduated with a Bachelor of Science in Elementary Education in 2019. In the same year, she also passed the Licensure Examination for Teachers and applied for a teaching position at the Department of Education (DepEd). Currently, she works as an ALS volunteer teacher in San Jorge, Samar. Meanwhile, Loreto is currently already employed as a public teacher. With his salary, they were able to build a sturdy house with a galvanized iron roof and strong outer walls. They have electricity and access to a community water system, but they buy sterilized water for drinking. They also have their own water-sealed toilet. Further, Loreto supports the education of Lorena’s siblings, and one of them has already graduated and is applying for a job as a public teacher. In summary, they now have a more comfortable life and can sustain their basic needs. As a matter of fact, the family voluntarily waived their privileges from the program to give way to those families who are in need. Lorena and Loreto expressed their gratitude towards the program and looked forward to more families making use of the program’s aid appropriately. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD (credits: DSWD ML Marie Belle Amacna)
DSWD FOVIII Nagsagawa ng Pinakaunang CCCM at IDPP Training of Trainers
Sa kauna-unahang pagkakataon, ang DSWD Field Office VIII ay nagsagawa ng Training of Trainers (TOT) para sa Camp Coordination and Camp Management (CCCM) at Internally Displaced Persons Protection (IDPP). Ito’y dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang dibisyon, seksyon at Sub-Field Offices noong Oktubre 16-20, 2023, sa Ormoc City. Pinangunahan ng Disaster Response Management Division ng DSWD FO8 ang nasabing pagsasanay. Nagbahagi ng kanilang kaalaman hinggil sa wastong pamamahala ng mga evacuation centers at pag-poprotekta sa mga internally displaced persons ang mga tagapagsalita na sina Romar Delfin, Angelyn S. Agundo, Gerald Nino Pornea, at Melchor Lagartija, na pawang mula sa DSWD Region IV-B (MIMAROPA). Sa kanyang mensahe, inihayag ni Regional Director Grace Q. Subong na ito’y isang mahalagang pagkakataon upang ang Field Office VIII ay makapulot ng magagandang praktis patungkol sa CCCM at IDPP mula sa Field Office IV-B. Ayon sa isa sa mga partisipante na si Ma. Reyschel Balase, SWO III ng Standards Section ,“ [Through the training] we were able to learn and [are] ready to impart/transfer the knowledge to the LGU and other stakeholders. Furthermore, the training team was prepared and did a good job.” Sa tulong ng pagsasanay na ito, mas lumawak ang bilang ng mga tagapagsanay na maaaring magbahagi ng kanilang kaalaman sa mga lokal na pamahalaan at sa sinumang nangangailangan ng pagsasanay ukol sa mga temang ito. Isa ito sa mga hakbang ng ahensya na naglalayong mapalawak ang paghahanda ng rehiyon upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga taong apektado sa mga kalamidad. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD
DSWD Field Office VIII Nagsagawa ng Consultation Dialogue Tungkol sa Listahanan Data Sharing sa Probinsya ng Northern Samar
Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan upang gamitin ang Listahanan 3 database o ang pinakabagong Talaan ng Pamilyang Nangangailangan, nagsagawa ng Consultation Dialogue tungkol sa Listahanan Data Sharing ang DSWD Field Office VIII sa Catarman, Northern Samar noong ika-18 ng Oktubre, 2023. Dinaluhan ng mga Provincial/City/Municipal Social Welfare and Development Officers (P/C/MSWDOs) sa probinsya ng Northern Samar at ng kanilang mga kinatawan ang nasabing konsultasyon. Tinalakay ni Statistician II Aileen Joy Silvestre ng Listahanan ang mga Standard Operating Procedures (SOPs) ng Listahanan at ang mga hakbang at mga dokumentong mga kinakailangan upang maibahagi ang datos ng Listaanan sa mga lokal na pamahalaan. Tinalakay rin ni ITO II Romart So ng Listahanan ang tungkol sa paggamit ng Listahanan Search Application. Ibinabahagi ang Listahanan Search Application sa mga lokal na pamahaalan na nakatanggap na ng Listahanan 3 database. Sa pamamagitan ng application na ito, mas mabilis na ang pagtukoy kung sino-sinong mga indibidwal ang mga napapabilang sa mahihirap. Naroon din sa ginanap na konsultasyon ang mga kinatawan ng Northern Samar Electric Cooperative, Inc. na sina Ramil Mora at Irma Orquin. Tinalakay ni Ginoong Mora ang Republic Act 11552 o mas kilala sa tawag na Lifeline Rate Discount Program. Ito ang panibagong programa ng pamahalaan na tumutukoy sa diskwento sa bayarin sa kuryente para sa mga benepisyaryo ng 4Ps na kumukunsumo ng kuryente na 100kWh o pababa kada buwan pati na rin ang mga sambahayan na namumuhay sa mas mababang antas ng poverty threshold ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Ang Listahanan ay isang proyekto ng DSWD na naglalayong kilalanin at tukuyin kung sinu-sino at nasaan ang mga mahihirap sa bansa. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD #BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran #DSWDListahanan3
DSWD Field Office VIII Ibinahagi ang Listahanan 3 Database sa Lokal na Pamahalaan ng Carigara, Leyte
Pormal na ibinahagi ng DSWD Field Office VIII ang electronic copy ng Listahanan 3 database o ang pinakabagong talaan ng pamilyang nangangailangan, sa lokal na pamahalaan ng Carigara, Leyte noong ika-13 ng Oktubre, 2023. Ipinagkaloob nina Regional Field Coordinator (RFC) Leizel Astorga at Regional Information Technology Officer (RITO) Romart So ng Listahanan Field Office VIII ang Listahanan 3 database sa Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) ng Carigara, Leyte na si Evelyn Granados. Naroon din sa aktibidad ang Social Welfare Officer II (SWO II) ng lokal na pamahalaan ng Carigara, Leyte na si Merla Lianza. Laman ng Listahanan 3 database ang mga impormasyon ng sambahayan ng Carigara, Leyte kagaya na lamang ng mga pangunahing personal na impormasyon ng mga miyembro ng sambahayan, edukasyon, trabaho o pinagmumulan ng kita, kondisyon ng bahay at marami pang iba. Ang mga datos na ito ay maaring gamitin ng lokal na pamahalaan ng Carigara, Leyte upang magsilbing basehan sa pagpili ng mga karapat-dapat na maging benepisyaryo ng mga programa at serbisyong panlipunan na naglalayong maiangat ang pamumuhay ng mga mahihirap. Inaasahan ng ahensya na mapapalawig pa ang paggamit ng Listahanan 3 database sa rehiyon lalo na at patuloy na isinasagawa ng ahensya ang Listahanan Consultation Dialogues para hikayatin ang mga lokal na pamahalaan, pampubliko at pribadong ahensya na gamitin ang pinakabagong talaan ng pamilyang nangangailangan. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD #BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran #DSWDListahanan3
Listahanan Consultation Dialogue, Isinagawa Kasama ang mga Lokal na Pamahalaan ng Ikatlo, Apat at Limang Distrito ng Leyte at ng mga Lokal na Pamahalaan ng Biliran
Isang Consultation Dialogue tungkol sa Listahanan Data Sharing ang ginanap sa Ormoc City, Leyte noong ika-6 ng Oktubre, 2023. Dinaluhan ng mga Provinicial/City/Municipal Social Welfare and Development Officers (P/C/MSWDOs) at ng kanilang mga kinatawan ang nasabing konsultasyon. Kabilang sa mga kalahok sa aktibidad na ito ang mga Lokal na Pamahalaan ng ikatlo, apat at limang distrito ng Leyte at ng mga Lokal na Pamahalaan ng Biliran. Sa nasabing pagtitipon, tinalakay ni Statistician II Aileen Joy Silvestre ng Listahanan ang mga Standard Operating Procedures (SOPs) ng proyekto at ang mga detalyadong hakbang at mga dokumentong mga kinakailangan upang maibahagi ang datos ng Listahanan sa mga lokal na pamahalaan. Ibinahagi naman ni ITO II Romart So ng Listahanan ang panibagong Listahanan Search Application. Sa pamamagitan nito, mas madali at mabilis na ang proseso sa pagtukoy kung sino-sinong mga indibidwal ang mga napapabilang sa mahihirap. Samantala, naroon din sa aktibidad ang mga kinatawan ng Leyte V Electric Cooperative (LEYECO V) na sina Ghanda Bernandino at Paul Jason Dagamac. Tinalakay ni Membership Services Division (MSD) Chief Ghanda Bernandino ang Republic Act 11552 o ang Lifeline Rate Discount Program. Tumutukoy ito sa matatanggap na diskwento sa bayarin sa kuryente para sa mga benepisyaryo ng 4Ps na kumukunsumo ng kuryente na 100kWh o pababa kada buwan pati na rin ang mga sambahayan na namumuhay sa mas mababang antas ng poverty threshold ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Consultation Dialogue na ito, inaasahan ng ahensya na mapapalawig pa ang paggamit ng Listahanan 3 database para sa pag tukoy ng mga potensyal na mga benepisyaryo ng iba’t ibang mga programa at serbisyong panlipunan sa buong rehiyon. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD #BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran #DSWDListahanan3
TINGNAN: DSWD Field Office VIII Katuwang ang Department of Trade and Industry RO VIII Namahagi ng Subsidy sa Micro Rice Retailers sa Rehiyon Otso
Sa pangunguna ni DSWD FO VIII Regional Director Grace Q. Subong, DTI RO VIII Regional Director Celerina Bato, naibahagi ngayong araw, Setyembre 13, 2023 ang Sustainable Livelihood Program – Emergency Relief Subsidy sa 35 na micro rice retailers mula sa iba’t ibang probinsiya sa rehiyon. Ang subsidy na ito na nagkakahalaga ng P15,000 ay ang tulong ng pamahalaan para sa mga micro rice retailers na apektado ng mandatong price cap sa bigas base sa Executive Order No. 39. May monitoring namang gagawin sa mga benepisyaryo nito upang masiguradong nagamit ang subsidy ayon sa layunin ng pagkakaloob nito. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD